Mula sa bilang na 947 kahapon, August 21, tumaas sa 1,071 ang mga bagong kaso ng coronavirus sa Italya sa huling 24 oras.
- Confirmed Cases – 258,136
- Active Cases – 17,503
- Recovered – 205,203
- Deaths – 35,430
Nagtala naman ng 131 bagong kaso ng covid19 ang Eternal City of Rome. May kabuuang bilang na 215 naman ang Lazio region. Sa katunayan, ito ang pinakamataas na datos na naitala mula noong lockdown. Matatandaang ang pinakamataas na datos noon ay 208 na naitala noong March 28.
Ang Lazio ay ang rehiyon ngayong araw na nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng covid19. Ang Lombardy region ay may 185 bagong kaso at ang Piemonte naman ay may 41.
Ang mabilis na pagtaas ay sanhi sa pagbalik ng karamihan mula sa bakasyon, 61 % ng kabuuang bilang. Karamihan ay mga kabataan at mga asymptomatic.
“Sa pagkakataong ito, hindi ang hospitalization o ang ICU, ang ikinababahala dahil parehong under control. Kailangang mabilis na matunton ang mga asymptomatics at maagapan ang makahawa ang mga ito kahit sa sariling mga pamilya”, ayon kay Assessor Alessio D’Amato.
Nagtalaga na ng drive in sa Civitavecchia port ang Lazio Region upang agarang ma-test ang mga magmumula sa Greece, Spain, Croatia, Malta at Sardegna (Italy). Panawagan sa mga kabataan na maging maingat habang naghihintay ng resulta ng swab test.
Ang tampone ngayong araw ay umabot sa bilang na 77,674, mas mataas kumpara kahapon na may bilang na 71,996. (PGA)
Basahin din:
629, bilang ng mga bagong kaso ng Covid19 sa Italya