in

Italya, wala ng quarantine para sa mga darating mula sa non-EU countries 

Pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang bagong ordinansa na ipatutupad simula March 1, 2022. Sa mga darating sa Italya mula sa non-EU countries ay ipatutupad ang parehong regulasyon para sa mga galing sa EU countries. Samakatwid, ay wala ng quaratine at sapat na ang pagkakaroon ng Basic Green pass o pagkakaroon ng vaccination certificate, recovery certificate o negative Covid test. 

Ito ay bilang pagsunod sa rekomendasyon ng EU na pagtatanggal sa quarantine sa mga non essential travels.

Tanggalin na ng mga EU countries ang mga restriksyon sa mga non essential travels para sa mga bakunado laban Covid19”.  

Ito ang nasasaad sa mga rekomendasyong inaprubahan ng mga ministro ng European Affairs. Ang go signal gayunpaman ay sa kundisyong nabakunahan ng second dose nang hindi bababa sa 14 na araw at hindi hihigit sa 270 araw bago ang pagbibiyahe o nakatanggap ng booster dose. Bukod sa nabanggit, posible na ring tanggalin ang mga restriksyon sa mga gumaling sa Covid19 sa loob ng 180 araw bago mag-biyahe. 

Para matanggal ang mga restrictions sa lahat ng mga manggagaling sa third countries, batay sa bagong regulasyon, ang bilang ng mga kaso sa huling 14 na araw, sa bawat 100,000 residente ay itinaas sa 100 mula sa 75. Kahit ang test kada linggo sa bawat 100,000 residente ay itinaas sa 600 mula sa 300. 

Gayunpaman, ang mga Member States ay maaaring humingi ng PCR test, hindi na 72 hrs bago ang flight at ipatupad ang additional measures tulad ng quarantine at isolation. Ang negative test bago ang flight ay maaaring hingin din kahit sa mga gumaling sa Covid at sa mga bakunado ng bakunang aprubado ng EU ngunit walang EU certificate. 

Ang mga menor de edad (higit sa anim na taong gulang at wala pang 18 taong gulang) na mayroong requirements tulad ng mga adults ay pahihintulutang magbiyahe. Bukod dito, ay pahihintulutan din sa pagkakaroon ng negative test. Sa mga batang wala pang 6 taong gulang ay hindi dapat magkaroon ng mga karagdagang requirements.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ISEE Ako Ay Pilipino

Ang halaga ng Assegno Unico 2022, batay sa ISEE 

State of Emergency sa Italya, hindi na palalawigin