in

Itim na usok sa unang araw ng Conclave

Roma – Marso 12, 2013 – Itim na usok ang lumabas mula chimney ng Sistine Chapel bandang 7:42 ng gabi – halos isang oras pa lamang ang nakakalipas. Ito ay ang senyales na ang College of Cardinals ay wala pang naging desisyon sa unang araw ng conclave.

Ang itim na usok ay nagpapahiwatig ng hindi pagkakasundo, tulad ng inaasahan, sa pagitan ng 115 cardinals sa unang araw ng conclave.

Bukas ay magkakaroon ng isang misa bandang 8:15 sa Pauline Chapel na susundan ng isang mid-morning prayer. Alas-9:30 ng umaga, ay muling mag-uumpisa ang botohan. Apat na botohan sa isang araw – dalawa sa umaga, at dalawa rin sa gabi – ang magaganap. Matapos ang dalawang botohan sa umaga at kahit sa hapon, ay maglalabas ng usok ang mga kardinal hanggang sa maghirang ng bagong Santo Padre.

77 mga boto ang kinakailangan para hiranging bagong Santo Papa. Karaniwang ang conclave ay open-ended o walang limitasyon, ngunit wala pang tumagal ng higit sa limang araw sa halos 100 taon.
 
Puting usok naman ang ilalabas ng chimney – kasabay ng kalengbang na magtatanggal ng pinagdaanang pagkalito matapos ang tila kulay-abong usok – ang maghuhudyat naman sa pagkakahalal ng bagong Papa.

Matatandaang puspusan ang pananalangin ng mga kardinal isang araw bago pa man simulan ang conclave. Samantala, alas-10:00 kaninang umaga, ay ginanap ang Mass for Election of a New Pontiff o ang tinatawag na “Pro Eligendo Romano Pontifice” sa St. Peter’s Basilica.

Matapos nito, sinimulan nang ihatid ang mga cardinal mula St. Martha House, kung saan maninirahan ang mga ito habang gingaganap ang conclave, patungong Vatican bandang alas 3:45 ng hapon.

Nagprusisyon ang mga cardinal mula Pauline Chapel patungong Sistine Chapel kung saan sinambit ng mga ito ang Vespers at pormal nang inumpisahan ang conclave, bandang 5:00 ng hapon.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consiglieri Aggiunti, kumprimado sa Roma Capitale

“Le ricette della zia” ang cookbook sa tatlong wika