Sinimulan ngayong araw ang diskusyon ukol sa Ius Scholae sa Kamara. Matatandaang isinulong ang panukala sa Constitutional Affairs Committee na magpapahintulot sa libu-libong mga anak ng mga dayuhan ang maging Italian citizen matapos ang limang taong pag-aaral sa Italian school. Makalipas ang ilang dekada ng paghihintay, ang repormang inaasam-asam ay maaaring narito na.
Basahin din: Ius Scholae, italian citizen makalipas ang limang taong pag-aaral sa Italya
Ius Scholae sa Kamara
Humigit-kumulang sa 800,000 ang mga kabataang ipinanganak o lumaki sa Italya na naghihintay na kilalanin bilang mga mamamayang Italyano. At higit sa 600 naman ang mga susos mula sa Lega at Fratelli d’Italia sa Ius Scholae. Karamihan sa mga susog ay itinuturing na insulto tulad ng pagkakaroon ng pagsusulit o exam ukol sa mga pagdiriwang ng bansa ng bawat rehiyon.
Basahin din: 651 susog laban Ius Scholae, isinulong ng Lega Nord at Fratelli d’Italia
Hindi magiging madali ang laban, ngunit tila nakatanaw ng bahagyang pag-asa dahil nagpasya ang grupong Forza Italia na dumistansya mula kay Salvini at Meloni. Sa kabila ng pagtutol ng centro destra, may posibilidad ngayon ang centro sinistra, kasama ang Forza Italia, na magtagumpay sa pagiging batas ng panukala. At dahil kung hindi, ang huling 11 buwang natitira sa kasalukuyang lehislatura ay hindi sapat upang makumpleto ang proseso.
Ang panukala para sa reporma sa batas sa pagkamamamayan, ang Ius Scholae, ay isinulat ni Giuseppe Brescia (M5S), ang presidente ng komisyon, at ito ay binubuo lamang ng dalawang artikulo. Ito ay magpapahintulot sa pagiging Italian citizen ng mga lumaki sa Italya matapos ang 5-taong (cycle) ng pag-aaral.
Ikinagulat ng marami ang suporta mula sa Forza Italia bagaman ito ay nangyari na din sa nakaraan, sa pagsusulong ng katulad na panukala ni Renata Polverini, at dahil dito ay nahikayat ang partido. (Stranieriinitalia.it)