in

IUS SOLI: 800,000, bilang ng mga new Italians

Narito ang bilang ng mga new possible Italians at tatanggap ng Italian passport kung ma-aaprubahan ang Ius Soli. Ang ulat ng Leone Moressa Foundation.

 

Higit sa 200,000 ang mga ‘new citizens’ ng Lombardy at may 98,000 naman mula sa Veneto. Bukod pa sa 95,000 ng Emilia Romagna, sa 80,000 ng Lazio at 72,000 ng Piedmont. Ito ang bilang ng mga ‘new’ potential Italians, na kung ma-aaprubahan ang Ius Soli, ay tatanggap ng Italian passport. May kabuuang 800,000 ang mga immediate potential beneficiaries (o halos 74% ng mga menor de edad na dayuhan sa buong bansa) at 58,000 potential beneficiaries taun- taon, ayon sa numero na buhat sa Leone Moressa Foundation, na sa isang pag-aaral ay ginawa ang ‘mapping’ ng mga mamamayang dayuhan na, sa kasalukuyang reporma na nakabinbin sa Senado ay makikinabang ng Italian citizenship.

Matatandaang ang Ius soli na bahagyang binago ay inaprubahan sa House noong Setyembre 2015. Sa katunayan ay hindi ito tumutukoy sa unang pagkakataon dahil ang ius soli ay pinaiiral na sa Italya, ngunit sa pagsapit ng ika-18 anyos at kung ia-aplay lamang. Bukod sa kabuuang bilang, ay sinuri ng Leone Moressa Foundation ang sitwasyon sa bawat rehiyon. Ang Lombardy ay ang rehiyon na may pinakamataas na bahagi ng mga potential beneficiaries (205,000 immediate beneficiaries + 14,800 taun-taon). Nangangahulugan na ang bilang sa Veneto at Emilia Romagna (parehong higit sa 90,000). Mas mababa naman ang bilang sa South at maliliit na rehiyon.

IUS SOLI TEMPERATO – Sa pagpapatupad ng ius soli temperato, ay maaaring makinabang ng Italian citizenship ang anak ng mga imigrante na ipinanganak mula 1999 hanggang ngayon (mga menor pa) na ang mga magulang ay mayroong EC long term residence permit o dating carta di soggiorno. Ang mga batang ipinanganak sa huling 17 taon ay halos isang milyon at ayon sa pinakahuling survey ng Istat, halos 65% ang mga Inang dayuhan ang naninirahan sa bansa ng higit sa limang taon. Batay sa bilang na ito at kung isasaalang-alang ang hindi nila pag-alis sa bansa, ay tinatayang ang mga ipinanganak na anak ng mga dayuhan sa huling limang taon ay 635,000. 

IUS SOLI CULTURAE – Upang makalkula ang bilang ng mga mag-aaral na ipinanganak sa labas ng Italya at pumasok sa paaralan sa bansa ng hindi bababa sa limang taon, ang bilang ay nagmula sa MIUR: sa 2015/2016 ang mga dayuhang ipinanganak sa sariling bansa ay 58% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang mag-aaral (o 478,000). Kung hindi isasama ang mga mag-aaral sa materna at unang dalawang taon sa elementary school (na siguradong hindi  naka-kumpleto ng limang taong pag-aarala sa Italya) at ang mga enrolled sa huling taon sa High School (dahil higit sa 18 anyos), ay masasabing sa nalalabing mga mag-aaral ay 66.6% ang nasa Italya ng limang taon (buhat sa census noong 2011 na mayroong carta di soggiorno), at matatantiyang 166,000 ang mga mag-aaral na ipinanganak sa ibang bansa at naka-kumpleto ng limang taong pag-aaral sa Italya.  

FUTURE BENEFICIARIES – Kung isasaalang-alang ang mga dayuhan na ipinanganak sa Italya sa mga nakaraang taon sa pagitan ng 70,000 hanggang 80,000 ay maaaring tantiyahin ang bilang ng mga future beneficiaries. 

Kung mananatili sa 65%, bilang ng mga ipinanangak na nag magulang ay long term residents, ay maaaring kalkulahin ang mula 45,000 hanggang 50,000 na potential Italians taun-taon para sa ius soli. Bukod dito, ay idadagdag ang mga ipinanganak sa ibang bansa na pumasok sa kindergarten at sa ngayon ay nasa grade 1 at 2 ng elementary school at sa susunod na dalawang taon ay matatapos ang limang taong pag-aaral. 

Samakatuwid, maaaring isipin na sa mga susunod na taon ay may karapatan sa ius culturae ang mula sa 10,000 hanggang 12,000 bata, na inaasahang bababa dahil na rin sa pagdami ng mga ipinanganak sa Italya. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hunger Strike, higit sa 800 mga guro sa Italya

Halos 900,000, nasa domestic sector sa Italya