in

Iwasan muna ang biyahe sa ibang bansa kung hindi ito mahalaga – Farnesina

tour-ako-ay-pilipino

Isang paalala mula sa Ministry of Foreign Affairs na ipagpaliban muna ang pagbibiyahe sa ibang bansa kung ito ay hindi naman mahalaga dahil sa patuloy na paglala ng pandemya sa Italya, Europa at ibang kontinente.

Considerato l’aggravarsi della situazione epidemiologica in Europa, la Farnesina raccomanda a tutti i connazionali di evitare viaggi all’estero se non per ragioni strettamente necessarie”.

Ito ang paalala ng Ministry of Foreign Affairs sa mga Italians na nagpa-planong magpunta ng ibang bansa. 

At dahil sa naitalang paglala ng sitwasyon, partikular sa EU, pinaalalahanan ni Minister of Foreign Affairs na iwasan muna ang mga biyahe sa labas ng Italya maliban na lamang kung ito ay isang mahalagang biyahe para sa trabaho at hindi isang simpleng para sa turismo lamang.

Bukod dito, ipinaliwanag din sa website ng Foreign Affairs na hindi maiiwasan ang posibleng karagdagang restriksyon sa hinaharap dahil sa mabilis at hindi mapigilang pagdami ng mga bagong positibo ng coronavirus sa Europa.  Ito ay maaaring maging sanhi ng kumplikasyon ng muling pagbalik sa Italya at problema sa repatriation. 

Ipinapaalala din sa website ng Foreign Affairs na available sa website ng https://infocovid.viaggiaresicuri.it ang isang questionnaire na makakatulong sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga pinaiiral na normatiba ukol sa pagbibiyahe at listahan ng mga bansa kung saan maaaring magpunta at hindi. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Pinoy, biktima ng sunog sa isang Oil tanker

Ang labingtatlong utos sa panahon ng Pandemya