in

January 26, simulang kumalat ang Covid19 sa Milano

Nasa Milano na at simulang kumalat ang Covid19 noong January 26. Isang buwan bago madiskubre ang tanyag na ‘Paziente 1’ sa Codogno (Lodi) ng February 21. Ito ay batay sa analisi ng Health Task Force ng Regione, kung saan sa panahong nabanggit ay simula umanong kumalat ang sintomas ng covid19 at napagkamalang isang simpleng trangkaso o influenza lamang. 

Ang petsa ng Jan 26 ay tinawag na ‘Giorno 0’ ng Task Force, kung saan mayroon ng 46 na kaso nito sa Milan habang may 543 na sa Lombardy region, ayon sa ulat ng Corriere della Sera. At doon diumano nga nagsimula ang kasalukyyang 74,348 kasong naitala hanggang April 28 sa Rehiyon.  

Batay sa naging pagsusuri matapos ang mabilis na pagkalat ng virus sa Rehiyon, sa pagitan ng mga tamponi at sintomas, indikasyon ng mga nahawahan at ng mga duktor, ang mga eksperto ay nakuhang ma-trace ang naging trend ng epidemya sa rehiyon sa kasalukuyan. 

Noong una ay inaakalang ang mga airport ang magiging dahilan ng pagkalat ng virus at doon nakatuon ang pansin ng lahat. Subalit mayroon na palang 46 na Milanese ang nahawahan nito katapusan ng Enero, na mabilis na nakapang-hawa sa ibang tao. Batay sa analisis, 9 ang nagsabing may sintomas noong Feb 12, 13 naman noong Feb 15, 10 noong Feb 18 at 35 noong Feb 20. Pagkatapos, mula Feb 21, sa pamamagitan ni ‘Paziente 1’ ay natuklasan na ang Covid 19 ito. “Para sa mga napatunayang covid patient sa katapusan ng Pebrero at sa kanilang pagkakatanda, nagsimula ang mga sintomas mahabang panahon na ang nakakaraan at marahil ay nasa panahon ng Jan 26”.

Ang bilang ng mga nahawahan, batay sa analisis ng ‘tamponi’ sa mga laboratories: sa Milan, 1 kaso noong Feb21, 2 noong Feb 22, 2 noong Feb23, 9 noong Feb 24, 25 noong Feb 29 at 778 noong March 10. Ayon pa sa analisis, dalawa ang epidemya, ang una bago ang Codogno at ang ikalwa ay ang kasunod nito.

Jan 22 inanunsyo ang total lockdown sa Wuhan, matapos itong tawaging ‘abnormal pneumonia’ noong Dec 31. Samantala, kinumpirma noong Jan 7, ng awtoridad ng Pechino na ito ay isang uri ng coronavirus. Noong Jan 10 ay inanunsyo ang pagkalat ng isang bagong epidemiya at sa ngayon, masasabing ang coronavirus ay dumating sa bansang Italya, bandang katapusan ng parehong buwan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Domestic Violence, naging laganap din sa panahon ng Covid19 crisis

RBGPII Golden Heart, nasa unahan ng kawanggawa sa Firenze