Sa dalawang araw na nabanggit ay muling ipatutupad ang mga restriksyon ng ‘zona arancione’ sa buong bansa.
Narito ang mga restriksyon
Sa mga araw na nabanggit ay malayang makakalabas ng bahay mula 5am hanggang 10pm. Ito ay may pahintulot sa loob lamang ng sariling Comune. Ang curfew o coprifuoco ay mananatili mula 10pm hanggang 5am.
Sa mga araw na nasa zona arancione ang mga bars at restaurants ay mananatiling bukas for take out lamang hanggang 10pm. Wala pa ring agahan sa bar o tanghalian sa restaurants ngunit may pahintulot naman ang home deliveries. Kasama dito ang mga pasteccerie at gelaterie.
Samantala, ang shops ay bukas sa mga araw ng zona arancione. Ngunit upang maiwasan ang assembramenti ay maaaring magkaroon ng magkakaibang oras ng pagbubukas sa publiko. Gayunpaman, mananatiling bukas ang mga shops hanggang 8 pm.
Ang mga malls o centri commerciali ay sarado. Ngunit bukas ang supermercato, farmacie, tabaccheria at edicola na nasa loob ng malls.
Bukod sa mga shops ay bukas at walang paghihigpit sa mga parrucchiere at barbiere. Magbubukas din ang mga centri estetici.
Ngunit mananatiling sarado ang mga cinema, theaters, museums, at gyms.
Ipinagbabawal ang paglabas o pagpunta sa ibang rehiyon, maliban na lamang kung para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
May pahintulot ang pagbisita ng hanggang 2 katao sa bahay ng miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan. Ang mga mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay kahit sa ibang Comune, sa kundisyong nasa parehong Rehiyon. Gayunpaman, may pahintulot ito sa pagitan ng 5am hanggang 10pm. Bago ang oras ng curfew mula 10pm hanggang 5am.
May pahintulot ang pagpunta sa ibang Comune kung ang populasyon ay mas mababa sa 5,000. Ngunit ito sa loob lamang ng 30 km mula sa tirahan, ngunit hindi sa capoluogo ng provincia. (PGA)