Nalalapit na ang pagdating ng Johnson & Johnson anti-Covid19 vaccines sa Europa. Ito ay ayon kay Liguria Regional Council President Gianmarco Medusei at kinumpirma ito kay Emergency Commissioner Farncesco Paolo Figliuolo ng mga mapagkakatiwalaang source. Ang petsa, hanggang April 19, 2021 ay inaasahang dadating sa Europa ng bakunang Johnson & Johnson.
Ito ang unang single dose vaccine na marahil ang magbabago at makakatugon sa malawakang kampanya sa bakuna laban Covid19 ng Italya. Hindi lamang dahil ito ay may isang turok lamang, kundi pati na rin ang conservation nito sa normal na refrigerator lamang na mas magpapabilis at mas magpapadali sa transportasyon at distribusyon nito.
Ito ay inaprubahan ng EMA (European Medicines Agency) at AIFA (Agenzia Italiana del Farmaco) noong nakaraang linggo. Ito ang ika-apat na anti Covid vaccine na pumasok sa European Union matapos ang Pfizer, Moderna at AstraZeneca. Ito ay pinakahihintay ng marami sa Italya dahil ito ay single dose lamang, hindi katulad ng tatlong naunang bakuna na nangangailangan ng ikalawang dosis.
Ayon sa mga pag-aaral, ito ay epektibo ng 67%. Bukod dito, ay napatunayan ang mataas na proteksiyon nito, hanggang sa 85%, laban sa malalang karamdaman. Sa ngayon, ito ay maaari lamang magamit mula 18 anyos. Inaasahan ng Europa ang 200 milyong dosis nito. Sa Italya, ayon sa ulat ng Repubbica, batay umano sa kasunduan, ay 7.3 milyong dosis sa second quarter at 15.9 dosis naman sa third quarter. Bawat dosis ay nagkakahalaga ng €15,00.
“Ang bakuna ng Johnson & Johnson ay mabisa laban sa South Africa variant at sa palagay namin at gagana rin ito laban sa Brazil variant”, ayon sa Scientific Director na si Paul Stoffels.