Ang bagong layunin ay ang mabakunahan ang lahat ng edad na hindi pa nababakunahan hanggang sa kasalukuyan, kabilang ang mga kabataan, o ang over16.
At dahil dito nagdesisyon si Emergency Commissioner Figliulo na lalong bilisan ang panahon at simulan ng mas maaga ng isang linggo ang pagbubukas ng booking online ng bakuna kontra covid19 sa lahat ng edad sa June 3, 2021. Matatandaang hanggang kahapon ay June 10 ang inilabas na petsa, ngunit dahil sa awtorisasyon mula sa EMA, ay possible nang simulan ang pagbabakuna sa buong populasyon, o over 16.
Samakatwid, simula June 3 ay bubuksan ang booking ng pagbabakuna kontra Covid19 sa mga over16. Isang Circular ang opisyal na ilalabas sa mga susunod na araw ng Ministry of Health para sa pagsisimula ng booking. Tulad ng nabanggit, ang layunin ay bilisan ang pagbabakuna sa mga kabataan bago sumapit ang summer. Ito ay mahalaga at isang angkop na planning ang gagawin upang maiwasan na may rehiyon sa bansa ang maiwan o ang hindi makasunod sa programa.
Samantala, inilabas ng European Medicine Agency ang pahintulot ngayong araw para sa pagbabakuna ng mga kabataan mula edad 12 hanggang 15. Ito ay matapos maglabas ang Germany ng petsa, June 7, ang simula ng pagbabakuna sa mga kabataan mula 12 hanggang 15 anyos. Edad na ayon kay Emergency Commissioner ay hindi dapat maiwan. “Sa vaccination plan ay kabilang ang mga adolescents”. Sa katunayan, ang mga kabataan may edad 12 hanggang 15 anyso ay tinatayang aabot sa 2.3milyon.