in

June 7, ano ang pagbabago sa oras ng curfew sa Italya?

June 7, ano ang pagbabago sa oras ng curfew sa Italya?

Simula ngayong araw June 7 ay magkakaroon ng pagbabago sa oras ng curfew sa zona gialla sa Italya. Kasabay nito, ang paglipat ng ilang mga rehiyon sa zona bianca mula sa zona gialla. 

Ayon sa pinakahuling decreto ng gobyerno Draghi, ay nasasaad ang karagdagang pagtatanggal ng mga restriksyon partikular sa oras ng curfew. 

Sa katunayan, sa zona gialla, hanggang kahapon June 6, ang oras ng curfew ay mula 11pm hanggang 5 am. At simula ngayong araw, June 7, ang curfew ay magsisimula ng 12am hanggang 5am. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga restaurant ay maaaring manatiling bukas hanggang sa oras na magpapahintulot sa mga kliyente nito na makauwi sa kani-kanilang tahanan sa pagsapit sa oras ng bagong curfew. Gayunpaman, nananatili ang limitasyon hanggang apat na katao sa isang table sa indoor at ourdoor. 

Ang mga rehiyon sa zona gialla: 

Lombardia,  Lazio, Piemonte, Puglia, Emilia-Romagna, PA di Trento, Sicilia, Marche, Toscana, PA di Bolzano, Calabria, Basilicata, Campania at Valle d’Aosta

Samantala ang mga rehiyon sa ilalim ng zona bianca ay wala ng curfew at ang tanging restriksyon ay ang pagsusuot ng mask at social distancing. Malaya na rin ang pagpunta sa ibang rehiyon at malaya na rin ang mga restaurants sa oras ng pagbubukas sa publiko. Gayunpaman sa indoors, tulad ng mga restaurants ay hanggang anim na katao lamang sa isang table at kahit sa bahay ay hanggang dalawang pamilya lamang ang pinahihintulutan sa zona bianca. Wala namang limitasyon sa bilang sa outdoor. 

Ang mga rehiyon sa zona bianca: 

Friuli Venezia Giulia, Molise, Sardegna, Abruzzo, Liguria, Umbria at Veneto. 

Ang mga karagdagang ‘pagbubukas’ sa June 7 

Walang anumang karagdagang pagubukas na nakatakda sa June 7. Ang susunod na petsa ng ‘riapertura’ ay sa June 15, para sa mga okasyon at handaan. 

Samakatwid sa June 7, sa zona gialla ay mananatiling bukas ang mga restaurants at bar, sa outdoor at indoor. 

Bukas na din ang mga outdoor swimming pools at mga gym (kahit indoor). 

Ang mga malls ay bukas na rin tuwing weekend, pre-holidays at holidays. 

Para sa karagdagang impormasyon, narito ang FAQ ng gobyerno. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Assegno Unico per i figli a carico, narito ang mga dapat malaman

Ako ay Pilipino

80% ng populasyon ng Italya, mababakunahan hanggang Setyembre