in

Kailan bababa ang presyo ng gasolina at diesel sa Italya? Ano ang nasasaad sa Decreto Energia?

Tumaas ang halaga ng petrolyo at lumampas sa € 2 kada litro sa parehong gasolina at diesel (o krudo), sa pagputok ng digmaan sa Ukraine. Sa paglalathala ng Decreto Energia sa Official Gazette ay mababawasan ang buwis (o accise o excise tax) sa petrolyo na syang magpapababa sa presyo ng gasolina at diesel. Ang dekretong nabanggit ang nagtalaga rin kung hanggang kailan ipatutupad ang diskwentong ito. 

Kailan bababa ang presyo ng gasolina at diesel? 

Ang Decreto Energia na naglalaman ng mga hakbang para sa ekonomiya upang mabawasan ang buwis sa petrolyo ay inilathala ng hatinggabi ng March 21 sa Official Gazette. Tulad ng nasasaad sa dekreto, ito ay magkakabisa isang araw matapos ang paglalathala. Samakatwid, ang diskwento sa petrol at diesel excise taxes ay magsisimula ngayong araw, March 22, ngunit sa katunayan ito ay mararamdaman sa presyo ng gasolina sa mga distributor marahil mula bukas March 23

Narito kung magkano ang halaga ng mababawas sa excise taxes:

  • Gasolina/benzina, ibaba ang excise taxes sa 0.478 cents kada litro;
  • Diesel, ibaba ang excise taxes sa 0.367 cents kada litro;

Samakatiwd, mababawasan ng 30.5 cents kada litro ang presyo ng petrolyo at diesel

Hanggang kailan tatagal ang diskwento sa buwis?

Ang presyo ng gasolina at diesel samakatwid ay bababa, ngunit ito ay hindi magtatagal. Tulad ng nasasaad sa decreto energia, ito ay tatagal hanggang ika-30 araw mula sa petsa ng paglalathala sa Official Gazette. Nangangahulugan lamang na sa kawalan ng mga bagong probisyon ng gobyerno ng Draghi, ang diskwento sa excise taxes sa gasolina ay magtatapos makalipas ang April 20, 2022.

Ayon sa kalkulasyon na ginawa ng Codacons, sa pamamagitan ng decreto energia, ang presyo ng petrolyo at diesel na maibalik sa €1.8 at €1.9 kada litro, at makakatipid ng humigit-kumulang € 15 euro kada full tank. Ayon pa sa consumer’s association, ang hakbang na ito ay hindi sapat upang masolusyunan ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, at nadagdagan pa dahil sa kasalukuyang giyera.  

Ibang nilalaman ng decreto energia 

Bukod sa diskwento sa excise taxes, nasasad din sa decreto energia ang mga sumusunod:

  • Ang halaga ng bonus benzina (o ang fuel voucher na ibinibigay ng mga kumpanya sa mga manggagawa) ay hindi isasama sa taunang kita, hanggang sa maximum na € 200 euro bawat manggagawa;
  • Ang maximum na halaga ng ISEE upang matanggap ang bonus bollette (kuryente at gas) ay tataas sa € 12,000 mula April 1 hanggang December 31, 2022. 
Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Anu-ano ang mga contact number ng Inps?

Hindi natanggap ang Assegno Unico e Universale? Narito ang posibleng dahilan