Sa unti-unting pagtatanggal ng mga paghihigpit kontra Covid, marami ang nagtatanong tungkol sa magiging kapalaran ng mga protective masks, ang simbolo ng pandemya. Gayunpaman, ang petsa kung kailan tatanggalin ang mask sa indoors ay hindi pa alam, ngunit may mga pagbabago sa paggamit nito simula sa May 1.
Ayon sa Decreto Riaperture 2022, simula April 1 hanggang April 30 ay nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask sa lahat ng indoor places at sa ilang lugar ay mandatory ang paggamit ng FFP2 protective mask.
Samakatwid, hanggang April 30, 2022 ang protective mask ay kailangang gamitin sa lahat ng indoor places. Tandaan din na ang mask ay kailangan ding isuot tuwing mayroong ‘assembramento’ o umpukan ng mga tao kahit sa outdoor.
Basahin din:
- Green pass at mandatory Covid vaccination, mga pagbabago simula April 1
- Green pass, ang mga pagbabago sa mga bar at restaurants simula April 1, 2022
- Pagtatanggal ng mga Covid restrictions sa Italya, magsisimula sa April 1
Maaari lamang tanggalin ang mask sa mga sumusunod:
- mga pribadong tahanan
- disco sa tuwing magsasayaw,
- sa cinema o stadium kung kakain ng popcorn o iinom,
- sa mga restaurants kapag kakain,
- sport,
- kapag nakikipag-usap sa taong mag kapansanan at kailangang basahin ang buka ng bibig.
- mga mas bata sa 6 na taong gulang.
Saang lugar mandatory ang paggamit ng FFP2?
Hanggang April 30 ay kumpirmado na mandatory ang paggamit ng FFP2 mask sa ilang lugar tulad ng
- long-distance means of transport tulad ng airplanes, ships, ferries, trains at bus.
- Local public transport tulad ng bus, tram metro, regional trains at school buses.
- Indoor at outdoor shows tulad ng cinema, theaters, concert halls at stadiums para sa mga sports events.
Nananatili ring mandatory ang pagsusuot ng mask sa mga paaralan kung saan sapat na ang paggamit ng surgical mask simula April 1, habang ang FFP2 ay mandatory sakaling mayroong direct contact sa isang positibo. Sa katunayan, ang sinumang nagkaroon ng close contact sa isang positibo ay sasailalim sa autosorveglianza o self-monitoring, kung saan kailangang bantayan ang kalusugan at gumamit ng FFP2 ng 10 araw.
Basahin din: Autosorveglianza, maaari bang magpunta sa Supermarket?
Samantala, sa mga paaralan sa kaso ng pagkakaroon ng positibo sa klase, tanging ang positibo lamang sa Covid ang mananatili sa bahay at ang buong klase ay hindi na sasailalim sa quarantine bagkus sa self-monitoring at paggamit ng FFP2 mask ng 10 araw.
Kailan tatanggalin ang paggamit ng mask sa indoors?
Sa ngayon ang patakaran sa paggamit ng mask may bisa ay hanggang April 30, ngunit hindi ito nangangahulugan na sa May 1 ay tatanggalin na ang paggamit ng mask. Kamakailan ay nilinaw ni Health Minister Roberto Speranza na muling susuriin ng gobyerno ang sitwasyon ng covid sa bansa at pag-aaralan kung tatanggalin ang paggamit ng mask sa indoors simula sa buwan ng Mayo. (PGA)