in

Kakulangan ng mga gamot sa Italya, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang kakulangan ng mga gamot sa Italya at ilang bansa. Ayon sa Federation of Italian Pharmacists, na unang nagreklamo sa kakulangan ng ilang mga anti-inflammatory medicine sa bansa, ang problema sa mga gamot ay tila isang kaganapang sinadya. Ang digmaan sa Ukraine, ang resulta nitong problema sa produksyon na nauugnay sa krisis sa enerhiya at ang kakulangan ng mga materyales ay ang mga pangunahing sanhi ng kasalatang ito sa gamot na higit na lumalala dahil sa kasagsagan ng trangkaso at ng panibagong Covid surge sa mga Asian countries na nangunguna sa produksyon ng medicinal ingredient tulad ng China at India. 

Anu-ano ang mga kulang na gamot sa Italya? 

Ayon sa pinakahuling ulat ng AIFA o Agenzia Italiana del Farmaco, humigit-kumulang 3,200 na ang mga gamot na kulang sa supply sa mga parmasya sa buong Italya (kalahati ng bilang na nabanggit ay wala na sa merkado). Kabilang dito ang mga anti-inflammatories, antipyretics, ilang uri ng antibiotics, cortisone para sa aerosol, gamot sa ubo, antihypertensive at antiepileptic na gamot. 

Ayon sa presidente ng Federation of Italian Pharmacist, ito anya ay isang kumplikadong sitwasyon na makakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan kaya nararapat lamang na ito ay matugunan sa lalong madaling panahon. Partikular, kung isasaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya at enerhiya na nakakaapekto sa mga gastusin sa produksyon at distribusyon ng mga gamot at kalakal, ay hindi posible ang taasan ang presyo ng mga ito.

Ang sitwasyon sa ibang bansa sa Europa

Ang kakulangan ng mga gamot ay naiulat din sa ibang bansa. 

Ipinagbabawal sa Paris ang online selling ng mga gamot na paracetamol hanggang sa katapusan ng January. 

Nanawagan ang Greece para sa isang centralized procedure sa Europa upang harapin ang problema. Sa mga nagdaang linggo, naiulat ang hirap ng paghahanap ng mga over-the-counter na mga gamot, tupad ng antipyretic o cough syrup at antibiotics na pangunahing nakakaapekto sa mga batang maysakit. Kabilang sa mga aksyon na inihayag pagkatapos ng isang konsultasyon sa Greek Agency para sa mga Pharmaceutical Products (Eof) ay inaasahang magtataas ng mga presyo ang ilang murang mga gamot.

Samantala, ipinagbabawal naman ng China, ang pangunahing producer ng medicinal ingredient, ang pag-export ng paracetamol. Ang panibagong Covid surge ay nagsanhi ng paglobo ng mga kaso ng Covid19 sa China, ang laboratoryo ng halos buong mundo para sa medicinal ingredient. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito alimentare, ano ito at paano ito matatanggap? 

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Permesso di soggiorno CE at permesso di soggiorno UE, ano ang pagkakaiba?