in

Karagdagang paghihigpit, pinag-aaralan na!

Karagdagang paghihigpit sa buong bansa ang pinag-aaralan upang maagapan ang pagkalat ng mga variants ng covid19 sa bansa. 

Patuloy ang pagbabanta ng mga eksperto sa bagong gobyerno. Ayon sa Istituto Superiore di Sanità (ISS), ang Centro Europeo per la prevenzione e il controllo delle malattie at ang Comitato Tecnico-Scientifico (CTS) ay imposible ang magluwag sa ngayon bagkus ay kailangang paigtingin pa ang mga paghihigpit. 

Panibagong lockdown?

Malinaw ang mensahe na maaaring magkaroon ng karagdagang paghihigpit na pinag-aaralan ng Executive. Ito ang kinumpirma ni Regional Affairs Minister Mariastella Gelmini sa pagtatapos ng meeting kasama ang CTS. “Kasagsagan pa ng pandemic. Kung kinakailangan ang gumawa ng mabigat na desisyon, gagawin ang mga ito”. 

Malala ang sitwasyon tulad ng inulat ng mga ekspertio at mga tekniko sa isang official document ilang araw pa lamang ang nakakalipas. Ito rin ang dahilan sa paglabas ng ordinansa si Health Minister Roberto Speranza na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sci resorts na nakatakda sana ngayong araw. 

Total lockdown ang mungkahi ni Walter Ricciardi, ang consultant ng health minister. Sinang-ayunan naman nina virologists Andrea Crisanti at infectious disease specialist Massimo Galli. Anila, ang total lockdown ay malaki ang maitutulong sa ginagawang mass vaccination. Pabor din ng GimbeDalawang linggo ng total lockdown kung hindi ay magpapatuloy ang stop ang go ngayong 2021”. 

UK variant, laganap na sa bansa

Ang UK variant ay laganap na sa malaking bahagi ng Italya, hindi bababa sa 88% ng mga rehiyon ayon sa resulta ng rapid survey na ginawa noong 4 at 5 Pebrero ng Istituto Superiore di Sanità (ISS) at ng Ministry of Health.

Isang mabilis na pagkalat dahil na rin sa kapasidad ng variant na mabilis makahawa. Halos pare-pareho ang resulta sa mga rehiyon matapos ang 2 araw na survey nito na umaabot sa 59%. At dahil higit na nakakahawa mula 30% hanggang 50% ay maaaring tumaas ang mortality rate mula 30% hanggang 70%. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ICU sa Italya Ako Ay Pilipino

ICU sa 4 na Rehiyon sa Italya, lumampas sa warning level

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

40-anyos na Pinoy, nagwala sa Parma dahil sa droga