in

Karagdagang pagluluwag sa March 10, 2022

Isang magandang balita ng karagdagang pagluluwag sa Italya simula sa March 10, 2022

Sa katunayan, simula sa nabanggit na petsa ay posible na muli ang kumain at inumon sa loob ng mga cinema, theaters, concert hall, entertainment at live music venue, at sa iba pang katulad na mga lugar pati sa lahat ng lugar kung saan ginaganap ang iba’t ibang sports event at competition. Samakatwid, magbabalik na muli ang paboritong popcorn at mga beverages sa mga cinema, stadium at iba pang lugar.

Ito ang inanunsyo ni Undersecretary for Health Andrea Costa na nasasaad sa inaprubahang susog sa Decreto Legge ng Social Affairs Commission ng Kamara at kung saan nagpahayag ng pagsang-ayon bilang kinatawan ng Gobyerno. 

Aniya, isang mahalagang tugon ito para sa ilang sektor na higit na apektado ng pandemya.

Isang bagong senyales ng muling pagsisimula”, aniya.  

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

May error ba sa Tessera Sanitaria? Narito kung paano ito itatama

kit-postale-ako-ay-pilipino

Expired ang permesso di soggiorno, maaari bang makapag-trabaho sa Italya?