in

Karagdagang preventive measures sa susunod na DPCM, inilahad ni Conte ngayong araw

Conte-Ako-ay-Pilipino

Inilahad ni Premier Giuseppe Conte sa kanyang komunikasyon sa Senado ngayong araw ang nilalaman na karagdagang preventive measures ng susunod na DPCM o Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri.

Ang bagong ipatutupad na DPCM ay inaasahang pipirmahan sa mga susunod na araw at simulang ipatutupad matapos itong pirmahan. 

Sa susunod na DPCM, magkakaroon ng 3 iba’t ibang kategorya, batay sa sitwasyon ng mga Rehiyon. Magkakaroon ng isang kategorya sa mga Rehiyon na high risk ng scenario 4, at kung saan magiging mas mahigpit ang mga restriksyon. Ang ikalawang kategorya ay ang mga Rehiyon na high risk ng scenario 3, kung saan ang mga restriksyon ay hindi kasing higpit sa nauna; at ang ikatlong kategorya ay ang natitirang bahagi ng bansa”. Ito ay ayon kay Premier Giuseppe Conte sa kanyang komunikasyon sa Senado ngayong araw.

Ang kurba ay mabilis ang takbo sa bawat kontinente. Ang Europa ay isang bahagi ng kontinente na higit na apektado ng second wave ng Covid19. Sa mga nagdaang linggo, ang pagtaas sa kaso ng covid ay 150 infected sa bawat 100,000 residente at ang sitwasyon ay patuloy na lumalala sa ating bansa”. Ito ang kinumpirma ni Premier Giuseppe Conte sa Kamara, kung saan binigyang-diin na ang kasalukuyang sitwasyon ay patungong scenario 4, partikular ang ilang Rehiyon. Ayon sa mga pinakabagong ulat noong Biyernes ay partikular ang sitwasyon sa ilang mga Rehiyon kung saan ay mapipilitang maghigpit upang  maagapan ang pagkakahawa ng mas nakakarami, partikuar ang paglipat nito sa ibang Rehiyon.

Binanggit din ng Premier ang mga pinaka-mahina o vulnerable, “ang mga Senior citizens, ang ating mga mahal sa buhay, ang ating mga magulang, ang ating mga lolo’t lola na nagdala sa ating bansa ng kasaganaan sa ekonomiya. Si Health Minister, sa aking kahilingan, ay gumagawa na ng isang maayos na plano ng distribusyon ukol nalalapit na paglabas ng mga bakuna. Bibigyang priyoridad ang mga mas vulnerable at mga operators na laging nakaharap sa panganib“. 

Magkakaroon ng limitasyon sa mga pagbibiyahe mula at papuntang ibang Rehiyon na mataas ang panganib, maliban na lamang kung ang dahilan ay trabaho, pag-aaral at kalusugan”.Binigyang diin din ng Premier ang pagbibigay limitasyon ng sirkulasyon sa buong bansa sa gabi. Tinutukoy sa salitang buong bansa ang ilang hakbang na makakatulong na pigilan ang paglaganap ng nakakahawang sakit. Isasara ang mga shopping center o mall tuwing weekend maliban sa mga supermarket, pharmacies at newsstands sa loob ng mga mall. Isasara ang mga sale scomesse at mga sala slot, ang mga museums at mga exhibits. Nasasaad din sa DPCM ang DAD o Didattica a Distanza o distance learning sa lahat ng antas ng High School at ang pagbabawas sa 50% ng limitasyon sa kapasidad ng mga public transportation. 

Gagawin ang lahat ng posible sa pananalapi tulad ng pagpapatupad ng decreto Ristori at ang pagpapalawig sa ‘blocco dei licenziamenti’ o pagbabawal sa pagtatanggal sa trabaho hanggang sa Marso 2021. Nauunawaan namin ang galit, ang kawalan ng pag-asa ng mga nagwewelga sa mga araw na ito. At alam din natin ang posibleng epekto nito sa ekonomiya at produksyon ngunit walang dapat humadlang sa pagtatanggol sa kalusugan ng buong bansa at ang pangangalaga ng ekonomiya. Ang pagbaba ng kurba ay nangangahulugan din ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon“. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Iwasan ang nakatagong peligro sa mga Smartphones

ako-ay-pilipino

Higit 3M euros para sa internet connection ng mga mag-aaral sa Regione Lazio