MILAN – Si Oleg Fedchenko, isang boxer na Ukrainian, 26 taong gulang, ang salarin na noong nakaraang Agosto ay bumugbog sa isang Pilipina, na nagngangalang Emlou Arvesu 41 taong gulang, habang naglalakad sa Via Abruzzi Milan, na naging sanhi ng kamatayan nito.
Ang mga eksperto ay itinuturing ang salarin na mapanganib sa lipunan at inihayag na wala sa sarili sa araw ng krimen. Siya ay walang malinaw na pag-iisip, dahil ito diumano ay may malubhang sakit at isang paranoid schizophrenia. Ito ay ang resulta ng saykayatrikong ulat na inilahad ng imbestigasyon sa hukom na si Cristina Di Censo.
Noong ika- 6 ng Agosto si Fedchenko matapos lumabas ng bahay ng kanyang ina ay mapait na pinag buhatan ng kamay ang unang babaeng natagpuan nito. Ang Pilipina naman ay pabalik sa kanyang tahanan matapos ihatid ang kanyang mga anak sa kanyang kapatid ng ihampas ng salarin ang biktima sa window ng isang bangko, pagkatapos ay sinaktan ito ng maraming beses. Bumagsak ang Pinay ngunit nagpatuloy pa rin sa galit at karahasan ang salarin.
“Nanganganib ng kawalang hustisya ng biktima sa mga pangyayari,” ang mapait na pangungusap ng abugado na si Fabio Belloni, ang abugado ng asawa at ng 3 anak ng biktima na maaaring hindi makatanggap ng katarungan at claim for damages sa pagkamatay ng kanilang minamahal, kung ang hukuman ay kinikilala ang akusado bilang walang katinuan ng pagiisip matapos ang pagsusuri.
Ang abugado na si Belloni ay binigyang diin ang kawalan ng Lombardy Region ng kahit na isang insurance policy anti-crime ayon sa patakarang tinakda ng European Union. “Isang marangal na tao na napaslang matapos ang tangkang pagnanakaw”, pagpapaliwanag nito. Ngunit hindi nai-renew diumano ang anti-crime policy na ayon sa patakaran na itinakda ng direktiba ng EU noong Abril 29, 2004. Ang rehiyon ng Lombardy ay kinausap ang pamilya ng biktima at sinabi na ang isang anti-crime policy ng Lungsod ng Milan, ay sumasaklaw lamang sa mga higit pitongpu taong gulang na ninakawan .