in

Kilos protesta kontra sa Circular 29

Ginanap noong nakaraang Huwebes Dec 9 ang isang kilos protesta sa harap ng Embahada ng Pilipinas sa Via Medaglie d’oro. Pinangunahan ito ng Umangat Migrante at dinaluhan ng ilang Community leaders. Ito ay kanilang paghahayag ng pagtutol at pagpapaurong sa Circular 29, pagtutol sa POEA memo n. 9 at ang pagtutol sa pagtaas ng halaga ng passport renewal. Ang mga ito ay ilan lamang sa dahilan ng protesta.

Kinondena ng kilos protesta ang Embahada sa diumanoy pagpapabayad ng ‘certificato consulare’ na pangunahing dokumentong kailangan ng mamamayang Pilipino sa pagsasaayos ng mga dokumentasyong apektado ng aplikasyon ng nasabing Circular, habang kasalukuyang hinihintay ang pagpapalabas ng ‘regolamento d’attuazione’ (implementing rules) mula Ministry of Interior.

Nakita rin ang pagdalo ng mga Filipino Councilors at ng ilang leaders sa nasabing rally na may di naiibang layunin, ang pagko kondena sa Embahada sa kanilang pagpapabayad sa nasabing certificates ng 25 euros.
Bandang alas 4 ng hapon ng umakyat  ang mga konsehal, ang mga leaders, ang mga kinatawan ng rally at ang press sa tawag ng Embahada.

Hindi magkamayaw sa mga unang minuto sa loob ng Embahada. Dala ng mga nagpoprotesta ang init ng kanilang paghahangad na makamit ang mga kasagutan sa kanilang napakaraming  katanungan. Binigyan ng diin ni Pangulo Teddy ng Umangat Migrante, ang  Circular 29, pati pagpapabayad diumano ng Embada. Isang paglilinaw naman mula sa Embahada,  ang mga certificates ay MAY BAYAD, kung ito ay walang kinalaman sa Circular 29 at LIBRE kung ito ay tungkol sa middle name naman.

Ito ay isang scenario na hindi kakaiba sa mga unang meeting ng Embahada, ng iba’t ibang local Italian institutions, ng mga konsehales sa Roma at ng ilang mga Pinoy leaders. Dahil dito, bago pa man magsalita ang Ambassador ay nauna ng nagsalita ang mga konsehal sa kanilang naging role at ng kanilang ‘pamamagitan’ sa mga nauna pang mga meetings. Dahil  sila ay KABILANG sa kasagutan sa mga tanong ng mga nagpoprotesta. Mga tanong na sinagot na, sa pamamagitan ng radio, newspaper at mga association.
(https://www.akoaypilipino.eu/balita/sigaw-ng-mga-pinoy-iurong-pagtanggal-ng-middle-name)
(https://www.akoaypilipino.eu/balita/apelyido-ng-ating-pinaka-mamahal-na-ina-matatanggal-na-sa-ating-pangalan)

Ang mga pangungusap naman ni Ambassador Manalo ay nangangako ng kanyang kolaborasyon sa mga maiinit na isyu tulad ng Circular 29 at isang administrasyong bukas sa dialogo.
Sa pagtatapos ng ‘dialog’, may mga naiwang katanungan na tanging nasa Italian authorities lamang ang kasagutan: Kailan lalabas ang ‘regolamento d’attuazione’? Paano magiging awtomatiko ang mga pagbabagong magaganap sa pangalan ng mga mamamayang Pilipino?

Isang hamon muli sa sambayanan. Isang pagbabantay at isang kasagutan na nakasalalay lamang sa nagkakaisang diwa, KAPAKANAN NG KARAMIHAN AT HINDI NG IILAN LAMANG, ikabubuti ng LAHAT ng mamamayang Pilipino sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

64% ng mga migrante umuupa ng bahay

DIRECT HIRING, UUMPISAHAN NA!