in

Kontribusyon sa Inps, malapit na ang deadline

Paalala sa mga employer ng mga colf, baby sitters at caregivers sa nalalapit na deadline.

altMula sa Oct 1 hanggang Oct 10 ang mga employer ay dapat magbayad ng buwis ng kanilang mga colf, care givers o baby sitters para sa mga buwan ng  Hulyo, Agosto at Septiyembre. Dapat ding bayaran muna ng mga employer ang bahagi ng manggagawa, na maaaring kaltasin mula sa sahod ng mga ito. Maaring magbayad  sa mga bangko, sa ‘post office o mga tobacconists gamit ang postal bill na ipinadala sa lahat ng employer mula sa National Institute of Social Security o INPS. Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng Internet sa website www.inps.it, na kung saan mayroon isang software upang makalkula ang halaga at makakuha ng iba pang impormasyon.

Samantala, patuloy ang diskusyon sa pagitan ng asosasyon ng mga employer at mga unyon para sa renewal ng kasunduang pambansa na syang basihan ng mga pangunahing aspeto ng domestic jobs, na napasò noong nakaraang Pebrero pà. Bukod dito, ang mga unyon ay humihingi rin ng pagtaas sa minimum wage at bayad sa oras ng mga pagsasanay, na magbibigay pagkakataon sa mga trabahador upang maging mas kuwalipikado at mapagbuti ang serbisyo ng mga ito. Gayundin, layunin nito ang pagtibayain ang proteksyon para sa mga magiging ina, pagkakasakit at pagtatanggal sa trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Warning mula sa Konseho ng Europa

Wiretaps, isa sa mga katibayan laban kay Winston!