Muling nagbabago ang kulay ng mga rehiyon sa Italya simula Lunes, March 1. Ito ay ang klasipikasyon batay sa sitwasyon ng pandemya sa bawat rehiyon.
Sa katunayan, ang mga rehiyon ng Lombardia, Piemonte, Marche, ang provincia di Frosinone at ang tatlong provincie ng Emilia Romagna ang mapupunta sa zona arancione.
Sa zona rossa naman ang mga rehiyon ng Basilicata at Molise.
Ang Sardegna naman ang unang rehiyon sa zona bianca.
Ito ang nasasaad sa ordinansa na pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza, batay sa indikasyon ng Control Room o Cabina di Regia.
Samakatwid, simula March 1, ang kulay ng mga Rehiyon at Provincia Autonome ay ang sumusunod:
zona rossa: rischio alto o high risk – Basilicata, Molise
zona arancione: rischio medio-alto o average-high risk – Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Lombardia, Marche, Piemonte, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, Provincia autonoma di Trento, Umbria
zona gialla: – rischio moderato o moderate risk – Calabria, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Puglia, Sicilia, Valle d’Aosta, Veneto
zona bianca: rischio basso o low risk – Sardegna