in

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula sa May 3

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula sa May 3

Batay sa mga datos at ulat ng cabina di regia ay pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza, ang isang bagong ordinansa ukol sa pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon na may bisa simula May 3, 2021. 

 Ang rehiyon ng Valle d’Aosta, mula zona arancione ay magiging zona rossa. 

Samantala, ang rehiyon ng Sardegna, mula zona rossa ay magiging zona arancione, kasama ang mga rehiyon ng Basilicata, Calabria, Puglia at Sicilia. 

Walang ipinagbago ang mga rehiyon na nasa zona giallaAbruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia, Marche, Molise, Trentino, Alto Adige, Piemonte, Toscana, Umbria at Veneto.

Makikita sa weekly monitoring ang bahagyang pagtaas ng Rt level sa bansa kumpara noong nakaraang linggo: mula 0.81 noong nakaraang biyernes ay tumaas sa 0.85. Sa kabilang banda, bumaba naman ang incidence: 146 cases weekly  sa bawat 100,000 residente (kumpara sa 157 cases noong nakaraang linggo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Promising model ng isang Italian luxury brand, isang Pinay

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permesso di soggiorno, pinalalawig ang validity hanggang sa July 31, 2021