in

Kulay ng mga Rehiyon simula April 6, 2021

Kulay ng mga Rehiyon simula April 6, 2021

Una sa lahat, ipinapaalala na ang buong Italya ay nasa ilalim sa zona rossa ng April, 3,4 at 5. Sa April 6, ay magbabalik sa color code ang mga rehiyon, ngunit zona rossa at zona arancione lamang hanggang April 30, 2021, tulad ng itinalaga ng bagong dekreto anti-Covid19.

Sa Martes April 6, tatlong rehiyon ng Italya ang magpapalit ng kulay. Sa katunayan, mula zona rossa ay magiging zona arancione ang mga rehiyon ng Veneto, Marche at PA di Trento. Ang Campania ay mananatili sa zona rossa. 

Ang mga rehiyon sa zona rossa ay ang sumusunod: 

Calabria, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lombardia, Piemonte, Puglia, Toscana, Valle D’Aosta.

Ang mga rehiyon sa zona arancione ay ang sumusunod: 

Veneto, Marche, Abruzzo, Basilicata, Lazio, Liguria, Molise, Sicilia, Sardegna, Umbria, PA di Trento at Bolzano. 

Gayunpaman, sa loob ng mga rehiyon ay mayroong mga lugar na isinailalim sa zona rossa

Sa Basilicata hanggang April 6, 2021 ay nasa zona rossa ang comuni di Picerno, Forenza, Episcopia, Teana (Potenza) e Pomarico (Matera). 

Ang Comune di Fara Sabina ay nasa ilalim ng zona rossa kahit ang rehiyon ng Lazio ay zona arancione simula Martes. 

Sa Liguria naman ay nasa ilalim ng zona rossa ang buong provincia ng Imperia at Savona hanggang April 11, 2021. 

Kahit ang Abruzzo na nasa zona arancione ngunit ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng zona rossa:  Lentella (Chieti), Collecorvino, Roccamorice, San Valentino in A.C. (Pescara), Cerchio, Pratola Peligna, Pescina, Celano, Corfinio (L’Aquila), Nereto, Colonnella, Sant’Egidio alla Vibrata, Sant’Omero, Alba Adriatica, Canzano, Martinsicuro, Frazione di Pietralta di Valle Castellana (Teramo).

Ang Sardegna na natatanging rehiyon na naging zona bianca, na nasa ilalim ng zona arancione, ay may 14 na Comune ang nasa ilalim ng zona rossa: Sennariolo e Samugheo (Oristano), Pula, Soleminis, Burcei, Villa San Pietro, Donora (Cagliari), Bultei, Golfo Aranci, Bono, Uri e Pozzomaggiore (Sassari), Sindia e Gavoi (Nuoro).

Sa Sicilia naman, hanggang April 14, 2021 ay zona rossa ang mga sumusunod: Comune di Biancavilla (Catania), Francavilla di Sicilia e Gaggi (Messina), Santa Margherita di Belice (Agrigento), Mazzarino (Caltanissetta). Hangganng April 6 ay zona rossa ang Caltanissetta. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Basketball, may pahintulot ba sa Pasqua at Pasquetta?

Bonus Cultura 2021: halos 100,000 aplikasyon sa loob ng 3 araw lamang