Batay sa mga datos at indikasyon ng Istituto Superiore di Sanità o ISS ay pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang bagong ordinansa na nagbabago sa klasipikasyon ng mga rehiyon batay sa kulay.
Simula sa Linggo, Feb 21, 2021 ay kumpirmado na ang mga rehiyon ng Campania, Emilia Romagna at Molise ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona arancione.
Samakatwid, simula sa petsang nabanggit, ang kulay ng mga rehiyon ay ang sumusunod:
Zona Gialla: Calabria, Basilicata, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Lombardia, Marche, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Valle d’Aosta, Veneto
Zona Arancione: Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Liguria, Molise, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, Provincia autonoma di Trento, Umbria.
Muli, ay walang anumang rehiyon sa ilalim ng restriksyon ng Zona rossa. Sa kabila nito, upang mapigilan ang pagkalat ng mga variants, ay nasa ilalim ng zona rossa ang ilang lugar kabilang ang buong Provincia di Perugia, Comune di San Venanzo (Umbria), Bolzano, Chieti e Pescara (Abruzzo).
(PGA)