in

Kumpiskado ang driver’s license sa unang paglabag pa lamang

Isang dekreto ang inaasahang aaprubahan ng gobyerno ngayong Mayo ang makakatugon sa kasalukuyang emerhensya: kumpiskado agad ang driver’s license sa unang paglabag pa lamang.

 

Abril 19, 2017 – Habang hinihintay ang pagsisimula ulit ng Senado sa proseso para masusugan ang kasalukuyang Highway Code ng bansa, maaaring aprubahan ng gobyerno hanggang Mayo ang isang dekreto para sa sinumang gumagamit ng cellular phone, ng walang speaker phones o headset habang nagmamaneho. 

Inanunsyo kamakailan ni Deputy Riccardo Nencini ng Ministry of Infrastructure and Transport ang paghahanda sa isang dekreto bilang tugon sa isang tunay na emerhensya.

Ayon sa datos mula sa traffic officers at Ania, 20% ng kabuuang bilang ng mga aksidente sa kalsada ay sanhi ng paggamit ng telepono habang nagmamaneho. 

Napapaloob sa dekreto ang pagkumpiska sa driver’s license sa sinumang gagamit sa telepono habang nagmamaneho: maaaring sa pamamagitan ng pakikipag-usap o ang pagpapadala ng messages.  

Sa kasalukuyang regulasyon, ang sinumang lalabag sa patakaran ng paggamit ng cellular phone ay pinapatawan lamang ng multa mula 160 hanggang 646 euros. Ito ay bumababa sa 112 euros kung babayaran sa loob ng liman (5) araw. Bukod dito ay ang demerit ng 5 points sa driver’s license. Kumpiskado ang lisensya kung ang paglabag ay mauulit lamang ng ilang beses.

Samantala, sa dekretong binanggit ni Nencini, aasahan sa unang paglabag pa lamang na kumpiskado agad ang lisensya. 

Sa dekreto ay napapaloob rin ang pagggamit sa mga sasakyang buhat sa labas ng bansa. Ang plate numbers at registration license ay kailangan umanong madaling mabasa at maunawaan bilang pagsunod sa mga probisyon ng international conventions na kung saan Italya ay bahagi. Pagbabawalan sa sirkulasyon sa bansa at papatawan ng administrative sanctions ang sinumang lalabag dito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Standard procedure sa pagpasok bilang manggagawa sa Italya

“Igalang at sundin ang mga umiiral na batas sa Italya” – PCG Milan