in

Kurba, nagsisimulang bumaba sa Italya

Covid19 update 05-04-2020

Ang kurba ay nagsisimula ng bumaba at nagsimula na ding bumaba ang bilang ng mga namatay. Kailangang simulan ang paghahanda para sa phase 2 kung patuloy na makukumpirma ang mga datos”, ayon kay Istituto Superiore di Sanità o ISS head Silvio Brusaferro sa ginagawang daily press conference. 

 “Naitala ang muling bahagyang pagbaba sa bilang ng mga biktima ng covid19 kahapon – 525 ang bilang ng mga namatay. Ito ang pinakamababang bilang ng mga biktima mula March 19”, ayon kay Protezione Civile head Angelo Borrelli. 

Hanggang sa kasalukuyan, nagtala ng kabuuang bilang na 15,887 ang mga namatay sa bansa dahil sa covid19.

Samantala, nasa ikalawang araw na rin ang pagbaba sa bilang ng mga dinadala sa ICU. Ayon sa datos ni Borrelli, may bilang na 3.977ang mga nasa ICU hanggang kapaon, mas mababa ng 17 kumpara sa datos kahapon. Sa bilang na ito ay 1,317ang sa Lombardy region (kung saan hindi na kailangang dalhin pa ang mga pasyente sa ibang lugar). 

Nagtala naman ng bahagyan pagtaas kahapon ng 2,972ang mga bagong nahawahan ng covid (mas mababa ang naitala kamakalawa: 2,886). 

Bumaba na din ang bilang ng mga dinala sa ospital at naka-confine: sa kabuuang bilang na 91,246, ang mga mayroong sintomas at nasa ospital ay 28,949(mas mababa ng 61 kumpara sa datos kahapon) at 58,320naman ang mga nasa ilalaim ng home quarantine. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Face mask, obligatory na sa Lombardy region

Halos 190,000 katao, nakontrol ng awtoridad kahapon, April 5