in

Kyenge, higit sa 90,000 votes sa EU Parliament

Ang dating ministra ay magkakaroon ng pwesto, salamat sa higit sa 90,000 bumoto sa kanya. Ang mga racist, kasama si Mario Borghezio ng Lega Nord ay tinawag na " Ebola Carrier ".

Roma, Mayo 26, 2014 – 92 000 votes  kay Cecile Kyenge para sa circoscrizione Nord Est, isang siguradong pwesto sa European Parliament .

Tila isang uri ng paghihiganti matapos tanggalin ng gobyerno ni Matteo Renzi ang Ministry of Integration. Isang tagumpay na may ibang uri ng halaga kumpara sa kanyang pagiging dating ministra, dahil kung noon ay nagtagumpay ay dahil sa pagnanais ng PD admin office. Sa pagkakataong ito ay dahil sa 92,000 balota kung saan matatagpuang nakasulat ang kanyang pangalan.

"Ako ay nahalal para sa European Parliament ng may 92,000 votes. Salamat sa lahat! Ako ay nangangakong may tapang at matinding pagnanais na maging kinatawan ng Italya sa Europa”, ito ang mga salitang isinulat ni Kyenge sa kanyang Fb profile. Sa ilalim ng kanyang post, ang papuri at pagmamalaki ng kanyang mga supporters at hindi lamang, muli ang kanyang mga racist followers tulad ni Francesco Venturini na nagsulat ng isang post: “Muori suicida” e “Maledetta portatrice di Ebola”.

" Ang pagiging bahagi ng EU ay nangangahulugan ng pagganap sa tungkulin para sa isang politika ng mas magandang bukas, dahil ang lahat ng gagawin sa Europa simula sa umpisa ay matatanggap din ng Italya”, ayon kay Cècile sa isang panayam bago ang halalan. At ang pagtatanggol sa mga karapatan bilang pangunahin gawain bilang European deputy, dahil ang salitang karapatan ay kumakatawan sa bawat mamamayan, dagdag pa ni Cècile.

Ano kaya ang masasabi ni Mario Borghezio sa kanyang mga binitawang pag-aanyaya bago ang halalan: “Huwag bigyan ng isang dahilan ng kalungkutan si Kyenge, bagkus ay dalawa: iboto ang Lega at isulat ang Borghezio. Isang sagot buhat naman sa mga flyers ni Kyenge na tila si Borghezio ang nagsasalita: “Iboto si Kyenge, dahil ako naman ay hindi mahahalal”!

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Danilo Bansagale – Grand Winner ng Ginoong Pilipinas-Italia 2014

PROMOTING VIGAN AS ONE OF THE NEW SEVEN WONDER CITIES OF THE WORLD