in

Labinganim na proyekto para sa wikang Italyano, inaprubahan!

Inilathala ang listahan ng mga proyektong nagkakahalaga ng 4 na milyon sa website ng Ministry of Interior.

altRome- Ang Responsible Authority para sa mga European Fund para sa integrasyon ng mga mamamayang dayuhan ay inaprubahan ang pagbibigay pondo sa 16 na mga proyekto, na magbibigay ng mga kurso sa wika at sa Civic education, para sa kabuuang € 4,000,000 sa ibinigay na abiso  ” Azioni di sistema a valenza regionale per l’erogazione di percorsi di formazione linguistica ed educazione civica” na ipinagtibay ng Authority noong Marso 14 ng nakaraang taon.

Ang mga Project proposals na pinili ng Technical Commission na may kabuuang 17 proposals ay inaprubahan sa pamamgitan ng isang ‘dekreto’ noong Hulyo 28 – ay popondohan ng ayon sa dami ng bilang ng mga dayuhan na legal na naninirahan  sa bawat rehiyon.

Ang layunin ay upang palawakin ang mga pagsasanay sa wikang Italyano at palalimin ang kaalaman sa Sibika at Kultura upang patatagin ang proseso ng organisasyon, ang pagbuo ng mga local networks at upang mapalawak ang pagbibigay ng mga impormasyong lokal ukol sa mga serbisyo ng pagsasanay, sa pamamgitan ng mga CTP (Centri territoriali permanenti per l’educazione degli adulti) o mga schools for adults.

Ang nasabing mga proyekto ay magtatapos sa Hunyo 30, 2012.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

HIV-infected OFWs up 73%

Paano makakapasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o stage?