Mas mababang posibilidad na makapasok sa quota, iwasan…
Salamat sa kasunduan ng Ministry of Interior, ang mga operators lamang ng Patronati, labor consultant at mga piling asosasyon ang maaaring magkumpila ng walang limitasyon ng mga aplikasyon on line ng direct hiring 2011 at ipapadala ang mga ito sa takdang panahon ng click day. Ang mga aplikasyon ay tatanggapin ng sistema una una, ayon order ng pagkaka-kumpila at sa pagitan ng bawat aplikasyon ay tatanggapin din ng sistema ang mga ipinadala ng mga employer.
Bawat patronato, consultant o asosasyon ay magkakaroon ng pila ng mga aplikasyon sa bawat computer, at malinaw na ang employer, na nasa huli ng pila, ay may mas kaunting pagkakataon kaysa sa mga nangungunang posisyon. Sa madaling salita, kung sino man ang may balak na magpatulong ay kumilos na at huwag mag-aksaya ng panahon: mula sa Lunes, Enero 17 ay posible ng umpisahan ang pagkukumpila ng aplikasyon, at samakatwid ay makakakuha ng magandang posisyon sa pila ng mga aplikasyon.
Ang mga Patronato ay nagbibigay ng libreng serbisyo, at hindi maaaring humingi kahit ng membership fee. Ang asosasyon ay magpapadala ng mga aplikasyon ng kanilang mga miyembro, at mga consultant ay tutulong sa mga customer na pinamamahalaan ng kumpanya.
Ang lahat ay pinapa-alalahanan ng mga pangyayari noong nakaraang direct hiring, ang pagkakaroon ng error sa computer system ng Ministry of Interior.
Ayon sa ASSINDATCOLF, na kumakatawan sa mga employer, ang mga susog na ginawa sa sistema upang maiwasan ang disadvantages noong 2007 ay nararapat. Ang mga pagbabago ay ipinaliwanag kahapon sa mga asosasyon ay nararapat na siguraduhin ang stability ng sistema laban sa mataas na numero ng mga koneksyon na maaaring mangyari sa sandaling umpisahan ang araw click day at matulungan ang mga taong, tulad ng pamilya, na hindi masyadong bihasa sa paggamit ng mga electronic device.
“Kami ay nakasisiguro na ang sistema ay mas pinabuti, naging magandang aral ang huling karanasan. Dahil dito kami ay magiging mas maingat, at mas dinagdagan ang mga computer na magpapadala ng mga aplikasyon, upang maiwasan ang ‘pending’ ng mga ito”, ayon kay Piero Bombardieri, Immigration Officer Ital Uil. Ang kanyang patronato ay ang humahawak ng Ce.Pa., na kumakatawan sa Inca-CGIL, CISL ACLI at Inas.
“Ang aming mga serbisyo ay libre, confirmation pa ni Bombardieri – pinoprotektahan namin ang mga pensioners at ibang tao na hindi kayang magbayad ng daan-daang euro upang magpadala ng kanilang aplikasyon. Ngunit ito ay hindi ang tamang sistema para sa mga pagpapapasok ng mga dayuhan, ito ay hindi demokratiko, masyadong maraming mga variable: ang PC ay bago o luma? maaari bang gamitin ito? may ADSL ba o wala? Mas mahusay ang isang … ”
Ngayong Lunes ay magsisimula ang kumpilasyon ng aplikasyon kasama ang mga consultant, patuloy na-update mula sa National Council ng Order. Syempre maaari ring magpadala ng mga aplikasyon para sa mga colf at caregivers, ngunit hindi pa rin malinaw kung ang trabahador ay para sa mga kumpanya na naghahanap ng mga empleyado.
‘Tumututok lalo na sa kalidad at propesyonalismo ng paglilingkod. Ang mga consultant ay ganap na pamilyar sa sitwasyon ng mga kumpanya, at maaaring masuri ang mga kinakailangan para sa hiring at pamamahala ng lahat ng iba pang mga aspeto, mula sa mga alituntunin sa kontrata hanggang sa pagkakaroon ng angkop ng mga tirahan’, ayon kay Silvia Bradaschia, ng Studies Foundation.
Lahat ay handa na. At sa lalong madaling panahon ay uumpisahan na!