Pinirmahan ni Nicola Zingaretti, ang presidente ng Lazio region, ang isang bagong ordinansa na nagtataglay ng mga preventive measures upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19, partikular ang bagong kinatatakutang Omicron variant sa rehiyon.
“Ito ay mga mahahalagang preventive measures na magbibigay proteksyon sa ating kalusugan. Kahit sa pagkakataong ito ay kailangan nating maging maingat tulad sa nakaraan”, aniya.
Mask, mandatory ulit kahit sa Lazio
Ang pagpapatupad sa nabanggit na ordinansa ay magsisimula sa December 23, 2021 hanggang January 23, 2022, sa buong rehiyon. Ang nilalaman ng ordinansa ay ang mga sumusunod:
- Muling mandatory ang pagsusuot ng mask sa outdoor sa buong rehiyon.
- Excluded ang mga mas bata sa anim (6) na taong gulang at mga children with disabilities sa paggamit ng mask. Excluded din sa pagsusuot ng mask ang mga nage-exercise o anumang physical activities sa outdoor.
- Screening ng mga health workers sa lahat ng public at private health facilities tuwing ika-10 araw, upang maiwasan ang pagkakaroon o mapigilan ang pagkalat ng mga cases.
Basahin din:
- Anu-anong bansa sa Europa ang may mataas na bilang ng kaso ng Omicron variant?
- State of Emergency ng Italya, extended hanggang March 31, 2022
- Omicron, kinatatakutan. Karagdagang paghihigpit, pinag-aaralan sa Italya.