Ang biyaya ng unos para kay Davide Cavallotto: “Ngayon ang mga nomads ay maaaring makilala.” Della Seta (PD): “Walang bagyong magtataboy sa mga rasista at mga walang katwiran”
Rome – Habang patuloy ang mga namimighati sa mga namatay dahil sa baha, ang Lega Nord ay tila nagpapasalamat sa unos dahl ang mga nomads ay sapilitang iniwan ang kanilang mga tinitirahang squatter sa lalawigan ng Turin.
“Ngayon na ang ulan ay nagtagumpay kung saan ang mayor na si Piero Fassino ay nabigo o ang pagtanggal sa mga ilegal na tirahan sa Lungo Stura Lazio, inaasahan ko na ang munisipalidad ay kikilalanin ang lahat ng mga iligal na migrante na nakatira sa lugar na iyon”, mga pangungusap ni David Cavallotto. “Kung hindi ito mangyayari at ang nomads ay muling mananatili sa lugar ng iligal, ay responsibilidad na ito ng alkalde. Ang mga mamamayan ng Turin ay nagnananis ng kaunting mga radikal at kaunting mga hindi regular na Gypsies”.
Mabilis na pagpula mula sa oposisyon. Ayon sa senador ng Democratic Party na si Roberto della Seta, ang mga salitang ito ay “nagpapakita na kayang tanggalin ng bagyo ang lahat ng bagay ngunit ang kahangalan ng mga rasista at mga hindi makatwirang panananw ay hindi.” Ang mga tulad ni Cavallotto na hindi kayang unawain, kaawaan at damayan ang kundisyon ng mga taong napipilitang mamuhay sa ganoong kondisyon at tinamaan pa ng unos ay tunay na isang walang halagang tao”.
“Tanging pangungutya at poot lamang ang maaaring inspirasyon ng mga salita ng ka-miyembro ng Lega Nord na inaasahan pati ang epektong anti-Rom ng ulan at unos na pumatay at sumira sa buong Italya” ayon kay Rosa Villecco Calipari, MP vice president ng Democratic Party .”Ang basahin ang mga pahayag ni Cavallotto – dagdag pa nito – ay nagpupuno lamang ng galit sa amin. May kasama ba syang nais na magsalita?”.
Mga pangungutya rin mula sa Italia dei Valori. “Mga matitindi at hindi mapapantayang mga pangungusap. Ang gamitin pati ang trahedya upang ipagpatuloy ang rasistang mga pananaw, ay talagang sukdulan na,” ayon sa vice party list head sa House na si Antonio Borghesi, “kung mayroong krimen ng pang-aalipusta pagdating ng mga unos, ang representante ng Lega Nord ay kaagad nahatulan.”