in

Leonardo da Vinci Airport, ang Best Airport in Europe sa ika-apat na taon

Leonardo da Vinci Airport, ang Best Airport in Europe sa ika-apat na taon

Muling kinilala bilang best airport in Europe ang Leonardo Da Vinci Airport sa Roma sa ika-apat na taong sunud-sunod matapos muling makamit ang Airport Service Quality Award 2020.

Ang parangal ay batay sa survey ng Airports Council International (ACI), isang international association ukol sa kalidad ng mga serbisyo ng tinatayang 350 mga airports sa buong mundo. 

Ayon sa ACI, sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang mga survey ay iisang airport ang nanalo sa loob ng apat na taong magkakasunod. 

Sa pinakahuling parangal ay kinikilala ang Leonardo da Vinci Airport bilang isa sa mga nangungunang airport sa buong mundo sa prebensyon laban sa Covid-19, ayon sa Aeroporti di Roma (AdR), ang kumpanyang namamahala sa Fiumicino.

Sa katunayan, ay nagtamo ng 4.47 points ang Fiumicino sa pinakamataas na 5 points mula sa ACI. 

Kabilang sa ginawang survey ay ang kalinisan, ang malinaw na impormasyon sa publiko, ang pagiging magalang ng mga staff at ang oras ng paghihintay sa security check at mga facilities nito. 

Kaugnay nito, noong nakaraang Setyembre 2020 ay natanggap din ng Leonardo da Vinci airport ang “Covid19 5-star Airport Rating” mula sa Skytax, ang nangungunang rating at assessment company sa international airport sector. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paggunita sa Italya ng ika-500 taon ng Kristiyanismo ng Pilipinas, pangungunahan ng Santo Padre

Paghahalaman ng mga Plantitos at Plantitas, ang trending ngayon!