in

Libreng plane ticket at 200 euro sa mga kusang-loob na babalik sa sariling bansa (rimpatrio volontario) para sa Emergenza Sbarchi

Ordinansa ng pamahalaan para sa assisted repatriation. Palakasin ang mga komisyon para sa pagsusuri ng mga aplikasyon ng asylum.

altRome – Inilathala kahapon sa Official Gazzette ang Order in Council kung saan, ipinagtibay ang mga pamantayan ng kusang-loob na pagbalik sa sariling bayan (rimpatrio volontario) ng halos 600 migrante mula sa North Africa mula sa simula ng taong kasalukuyan.

Ito ay pamamahalaan ng  International Organization for Migration (IOM), na magbabalik sa sinumang nagnanais mula sa reception camp/center (strutture di accoglienza) hanggang sa airport na panggagalingan. Sa sinumang nagnanais ay libreng ibibigay ang plane ticket. Bibigyan din ng halagang 200 euros bago umalis ng Italya na maaaring magamit sa labas ng bansa.

Upang makapasok sa programa ng assisted repatriation (rimpatrio assistito) ay hinihiling ang ilang mga kategorya: nararapat na isang aplikante para sa internasyonal na proteksyon; mayroong internasyonal na proteksyon na nagpapatunay na tinatanggihan na ito; mayroong balidong permit to stay para sa humanitarian purposes; aplikante para sa internasyonal na proteksyon na nagtatanggi sa apila hanggang sa deadline ng validity nito.

Ang mga migrante na tatanggap ng benepisyo ay hindi maaaring tumanggap nito ng higit sa isang beses at hindi na rin maaaring tumanggap ng anupamang benepisyo ng programa ng rimpatrio volontario at assistito.

Ang ordinansa ay nagsasaad din ng paglilikha ng limang karagdagang mga seksyon sa loob ng teritoryal na komisyon (Commissione territoriali) para sa pagkilala at pagbibigay ng mga internasyonal na proteksyon at ng mga bagong mapagkukunan upang mabayaran ang trabaho ng mga Commissioners. Ito ay upang mapabilis ang pagsusuri ng mga aplikasyon at mabawasan ang protesta ng mga migrante sa timog Italya sa mga nakaraang araw.

Ang Ordinansa

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularisasyon: Magkakahalaga ng 3 billion euros kada taon…

Mga pinalad sa pre-enrollment, Italian language unang pagsusulit!