Ministero dell’Interno pumayag na magpalista sa Servizio sanitario nazionale ang mga dayuhan kahit hindi pa nakakamit ang permit to stay. Guaranteed assistance mula sa voluntary contribution.
Roma – Pwede ng magpalista sa Servizio sanitario nazionale ang sinumang dayuhang naghihintay ng regularization sapagkat sa ibinayad na 500 euro (F24) na ibinayad ng mga employers ay kasama ang expenses sa health assistance.
Base sa circular na ipinalabas at inaprubahan ng minstero dell’interno, ang Regioni Emilia – Romagna at ang independyenteng probinsya ng Trento ay nagpahintulot na sa mga dayuhang colf at badanti na naghihintay ng permesso di soggiorno na magpalista sa SSN. Ayon pa sa Ministero dell’Interno, ito ay isasagawa at ang circular ay dapat sundin ng lahat na bayan sa Italya.
Ang halagang 500 euro ay pondo upang pinansyahan lalo’t higit ang Servizio Sanitario Nazionale. Sa circular na ipinalabas noong ika-23 ng Disyembre 2009 mula sa Viminale, ang mga colf at badanti na sa pamamagitan ng regularization ay ma-legalize ang paninirahan sa bansa, dapat lamang na magkaroon ng karapatan upang makapagpalista sa Servizio Sanitario Nazionale.
Ang nasabing registration ay pansamantala lamang. Magbibigay ang SSN ng STP Code (Straniero temporaneamente presente). Matapos pumirma ang worker at employer sa contratto di soggiorno, ang worker ay bibigyan ng codice fiscale. Sa oras na matapos ang proseso hanggang sa makapag-aplay ng permesso di soggiorno ang worker, kailangan itong ipaalam sa SSN upang ang registration ay maging depenitibo tulad ng lahat na dayuhang manggagawa na may permesso di soggiorno. (Liza Bueno Magsino)