in

Life imprisonment para kay Winston Manuel Reyes

altRoma – Habang buhay na pagkakakbilanggo para kay Winston Manuel Reyes sa salang pagpatay sa kondesa na si Alberica Filo della Torre noong 10 Hulyo 1991 sa Villa sa Olgiata. Ito ang sentensyang hiningi ngayong araw na ito ni Maria Francesca Loy sa hukom na si Massimo Di Lauro. Ang sususnod na hearing ay sa darating na Nob 14.

Ayon sa mga report, inumpisahan ang hearing ng paghingi muli ng paumanhin ng akusado sa pamilya ng biktima ng wala ni isang patak ng luha.

Ang abogadong si Giuseppe Marazzita, na kumakatawan sa pamilya, ay humihingi ng pinsalang nagkakahalaga ng  € 3,000,000, bilang “bahagi at sa pagkakamali” ng akusado. “Hindi sinabi ni Reyes ang buong katotohanan at itinanggi pa niya ang pagnanakaw ng mga alahas”, ayon dito.  

Ayon pa sa mga report, kahit si Reyes, ay sinubukang itanggi ang nilalaman ng ilang mga wiretaps matapos ang dalawampung taong pagbabale wala sa mga ito ng mga awtoridad, at sinabing ang mga alahas ay buhat sa binyag ng kanyang anak na kanyang ibinenta sa panahon ng nagigipit siya.

Ang mga abugado ng akusado na sina Valter Biscotti at Nicodemo Gentile, ay humihingi ng pagpapawalang-sala para sa krimen ng pagnanakaw at pagbababgo mula sa pagpatay ng kusang-loob sa hindi.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apat na Filipino, kandidato sa halalan sa Padua

Lega Nord, nagsasaya sa biyaya ng unos!