in

Limang milyon, mga imigratong regular

 ‘Higit ang kanilang ibinibigay kumpara sa kanilang natatanggap’

Sa kasalukuyan ang mga estrangherong regular dito sa Italya ay tinatayang aabot ng limang milyon, isang yaman na patuloy na itinuturing na isang problema.

Tulad ng mga nakaraang taon, ito ay mula sa ‘Dossier Statistico Immigrazione 2010’ ng Caritas e Migrantes, na inilabas ngayon sa Roma. Ito ay ang pang dalampung edisyon ng nasabing ‘dossier’. Ang Istat, sa umpisa ng taong kasalukuyan ay bumilang ng halos 4.2 milyon na rehistradong residente ngunit ayon sa ‘dossier’ ito ay aabot sa 4,9 milyon kung ibibilang ang mga regular na hindi pa naaprubahan ang aplikasyon bilang residente. Sinasabing may 1 estranghero bawat labindalawang residente.

Umabot sa halos 890 ang bilang ng mga residenteng Romanians. Sila hanggang sa ngayon ang pinakamalaking popolasyon ng imigrato dito sa Italya. Sumunod ang mga Albanians (470mila, 11%), ang mga mula Marocco (430mila, 10,2%), ang mga Instik (190mila, 4,4%), Ukrainiansi (170mila, 4,1%). Ang rehiyon ng Lombardia (982.225, 23,2%), ang may one fifth ng popolasyon ng mga imigrato, sumunod ang Lazio (497.940, 11,8%), Veneto (480.616, 11,3%) at ang Emilia Romagna (461.321, 10,9%).

Nananatili ang numero ng mga minors. Umaabot ng isang milyon ang mga minors at tinatayang halos kalahati ng bilang nito ay mga batang dito ipinanganak sa Italya. Umaabot naman ng 670,000 (7,5 %) ang mga anak ng estranghero na pumapasok sa eskwela. Halos lahat ay humihiling ng pagbabago sa batas ng citizenship.

Halos 10 % ang mga mangagawang estranghero, 3,5 % naman ang nasa iba’t ibang enterprise, bilang na maaari pang umabot ng 7,2 % kung isasama ang sa handicraft. Ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya ay nararamdaman na din ng mga estranghero.  Mula 67,1 % sa 64,5 % ang bilang ng mga nag katrabaho samantala mula 8,5 % hanggang 11,2 % naman ang bilang ng mga nawalan ng trabaho, mula 2008 hanggang 2009.

Ang mga estranghero ay kaagapay sa produsyon ng Pil sa halos 11,1%, sila nga ba ay maituturing na isang problema o katulong sa pagunlad ng bayan, isang katanungan para sa lahat ng ‘dossier’.

Di  kakayanin ng mga Italyano ang magpatuloy kung wala ang mga mangagawang estranghero sa iba’t ibang sektor, lalo na sa mga trabahong di na tanggap ng mga Italyano,. Ang mga ‘contributions’ at mga buwis na binabayaran ng mga estrang heroay umaabot sa 11 billion sa isang taon samantalang umaabot lamang ng 10 billion per annum ang mga serbisyong natatanggap ng mga estranghero.

Ayon sa Transatlantic Trends, sinasabing kalahati ng popolasyon ng North America at Europa, kabilang ang mga Italyano ay nakikita ang imigrasyon bilang isang ‘problema’.Tanong ng ‘dossier’:  Dapat bang tingnan sa ganitong paraan ang isang reyalidad na pinapakinabangan?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DIRECT HIRING, Meron na ba?

Mga Pilipino – ika-anim sa pinaka malaking popolasyon sa Italya