in

Lindol sa Roma, isang hulang kinatatakutan ngayong araw na ito!!

altAyon sa hula ng isang seismologist ni Raffaele Bendandi, namatay noong 1979, isang malakas na lindol ang yayanig diumano sa Roma ngayong ika-11 ng Mayo. Kumalat sa internet at kasalukuyang pa ring pinaguusapan sa bawat parte ng lungsod at kinatatakutan ang pagsapit nito.

Ang Civil defence ay kinailangang magbigay ng pahayag upang manatiling kalmo ang mga mamamayan at huwag paniwalaan ang kumakalat na balita.

Sa paghihintay ng sinasabing Apocalypse, sa pagitan ng takot at pangamba o pagwawalang-bahala ang kapital ay naghihintay diumano ng katapusan ngayong araw na ito Mayo 11, na maaaring maganap magmula alas tres ng madaling araw kaninang umaga.

“Ayon nga sa kasabihan, Ito ay hindi totoo pero pinaniniwalaan, marami na rin ang mga lumikas nà”, ayon sa isang ina matapos ihatid ang kanyang anak sa eskwela. “Pinag-usapan din sa mga school ang paglikas, kung sakaling darating nga ito”, natatakot na dagdag ng isa pang magulang.

Ang patuloy na pagbabalita nito pati sa mga radyo at telebisyon ay hindi makakatulong  bagamat naghasik lamang ng takot. Sa Facebookay mababasang, Ang mga seismology ng buong mundo ay nagtitipon ngayon sa Roma upang masaksihan ang pagwawasak ng lindol sa buong lungsod. Ito ay isang katotohana na nais itago ng awtoridad”.

Samantala, isang pamilya ang natagpuan naman na nagpi-picnic sa isang parko at hinihintay ng kinakatakutan ng buong lungsod.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NEOPHYE CHOIR TARGETS ST. PETER’S BASILICA

ING. DOMINGO BORJA “Ang misyon ko ay ang tumulong sa aking mga kababayan”