in

Lockdown extension sa Italya, pinag-uusapan na

Patuloy na pinag-uusapan ang paghahanda ng bagong DPCM na muling pipirmahan ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro na opisyal na magsasaad sa extension ng lockdown sa bansa, na hanggang sa kasalukuyan ay magtatapos sa April 13. 

Ayon sa mga ulat, inaasahan ang extension ng lockdown hanggang hanggang May 3. 

Ito ay matapos ang ginawang videoconference na gnaw kahapon, una sa mga head ng iba’t ibang partido tulad ng Pd, M5S, IV at LEU, ang mga parti sociali at mga gobernador at kinatawan ng mga Provincie at Comune. 

Sa ngayon, ay wala pa ang mga kondisyon para sa pagbubukas ng mga productive activities na hindi manganganib ng pagtaas muli ng kurba”, ayon kay Giuseppe Conte.

Mula dito ay ang desisyon ng muling pagpapalawig ng halos 3 linggo at magpapahintulot sa limitadong pagbubukas at higit na paghihigpit sa pagdiriwang ng Pasqua at Pasquetta. 

Kasabay na rin nito ang paghahanda sa fase 2 o phase 2. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang PSYCHO-SOCIAL Counselling? Kailangan ba natin ito sa panahon ng krisis covid19?

Panganib na mahawa ng covid19 dahil sa pagkain o sa packaging nito? Narito ang sagot ng virologist