Pinirmahan ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte ang dekreto na nagpapalawig ng lockdown sa bansa hanggang April 13.
Ang bilang ng mga namatay ay isang sugat na bukas pa. Wala pang kundisyon upang magluwag mula sa mga ipinatutupad na paghihigpit at bawasan ang mga sakripisyong hanggang sa kasalukuyan ay hinaharap ng bansa”.
“Wala pa rin ang kundisyong magpapahintulot na sabihing mula April 14 ay malaya na tayo, ngunit tayo ay walang tigil sa pakikipagtulungan sa mga eksperto upang pag-aralan ang mga paghihigpit. Magkakaroon ng dalawang magkasunod na yugto – ang ikalawang yugto ay ang pamumuhay na may virus at ang ikatlo ay ang tuluyang pagbangon at pagbalik sa normal na pamumuhay”. Conte