in

Lockdown sa Italya, extended hanggang May 3

Narito ang kasalukuyang sitwasyon sa Lombardia (Mga provincie at mga Comune)

Extended ang lockdown sa bansa hanggang May 3. Isang mahirap ngunit kinakailangang desisyon. Inaako ko ang politikang responsabilidad nito”. 

Ito ang pambungad na pananalita ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte sa ginawang press conference kasabay ang anunsyo ng bagong Dpcm. 

Inaasahan ko na makalipas ang May 3 ay maaaring magsimula muli ng dahan-dahan at maingat: ito ay dipende sa ating pagsusumikap lahat. Kung tayo ay bibitaw ngayon, malaki ang panganib ng muling pagbagsak ng bansa. Kailangang manatiling maingat ngayong Pasqua. Samantala, sinisimulan na ang mga paghahanda para sa Phase 2, hindi nating kailangang maghintay ng tuluyang pagkawala ng virus sa bansa. Kailangan ang isang articulated at organikong programa batay sa dalawang haligi: isang grupo ng mga dalubhasa at ang security protocol sa lugar ng trabaho“.

Ipinangako ko na susubukan nating kumilos nang naaayon sa sitwasyon kung magkakaroon na ng sapat na kundisyon bago ang May 3 “.

Sa extension ng lockdown, ay may pahintulot sa pagbubukas ang mga commercial activities tulad ng cartolerie, librerie (bookstores) at mga shops para sa mga sanggol ngunit kinakailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga pinaiiral na batas tulad ng social distancing at ibapa. (PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Panganib na mahawa ng covid19 dahil sa pagkain o sa packaging nito? Narito ang sagot ng virologist

Italya, isa sa mga Priority Countries sa ilalim ng DOLE-AKAP Program, ang anunsyo ng PCG Milan