Ang buong rehiyon ng Lombardia ay sasailalim sa arancione scuro o arancione rafforzata simula March 5 hanggang March 14. Ito ang nasasaad sa ordinansa ng Presidente ng Rehiyon, Attilio Fontana.
Ito ay nangangahulugan na ang mga paaralan ay suspendido ang klase sa lahat ng antas maliban ang asilo nido.
Isang ordinansa ang pinirmahan ng Presidente ng Rehiyon Fontana, batay sa mga huling mga datos sa mga ospital sa rehiyon kung saan mayroong 4,545 pasyente na positibo sa covid19 at 532 naman ang mga positibo na nasa ICU.
Sa ordinansa ay nasasaad din ang ilang restriksyon, tulad ng sumusunod:
- limitasyon sa access sa mga commecial activities o isang tao lamang bawat pamilya;
- pagsasara sa mga aree giochi sa mga parke;
- pagbabawal magpunta sa second house at pagbabawal na magpunta sa ibang private house tulad ng mga kaibigan at kamig-anak maliban sa dahilan ng trabaho at pangangailangan lamang. (PGA)