in

Lombardy region at ilang probinsya sa North Italy, lockdown na!

Kasalukuyang ipinatutupad ang total lockdown sa Lombardy region sa North Italy kasama ang ilang probinsya tulad ng Modena, Parma, Piacenza, Reggio Emilia, Rimini, Pesaro e Urbino, Alessandria, Asti, Novara, Verbano Cusio Ossola, Vercelli, Padova, Treviso at Venezia

Nasasaad sa decreto na mahigpit na ipinababawal ang paglabas at pagpasok sa ‘red zone’, pati na rin ang sirkulasyon sa loob mismo ng red zone. Tanging pinahihintulutan lamang ay ang paglabas ng kani-kanilang bahay para mag-trabaho at mga emergency purposes lamang. 

Matatandaang una ng sinuspinde ang mga klase sa buong Italya sa lahat ng grado hanggang March 15. Kanselado na rin ang lahat ng uri ng social, cultural sports at ilang religious activities tulad ng kasal at libing. Sarado na rin sa buong bansa ang disco, pub, sinehan, theaters, 

Pati ang mga bar at restaurants ay maaaring magbukas mula alas 6 ng umaga hanggang 6 alas ng gabi, mula lunes hanggang biyernes lamang. Pati sa mga supermarket at mga malls, bukod sa itinakdang oras ay mahigpit na ipatutupad rin ang 1 metrong distansya ng bawat consumer at ang hindi makakasunod ay mas makakabuting na magsara muna pansamantala. 

Tinatayang ika-apat na bahagi ng kabuuang populasyon ng bansa ang sumasailalim sa total lockdown hanggang April 3. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KABABAIHAN, magkaisa para sa pantay na karapatan

Mga bagay na dapat sundin ng bawat Pilipino sa Italya sa kasagsagan ng Covid-19