in

Lucky Me Instant noodles, ipinatigil ang pagbebenta sa Italya

Nagbabala sa publiko ang Ministry of Health ng Italya sa pagkakaroon ng ethylene oxide na lampas sa pinahihintulutang limitasyon nito sa tanyag na Filipino instant noodles. 

Ang ethylene oxide ay isang a kemikal na ginagamit bilang preservative ng mga produkto upang mapanatiling presko ang mga ito. Gayunpaman, ang labis na paggamit nito ay mapanganib sa kalusugan at maaaring maging sanhi ng malalang sakit tulad ng tumor at sakit sa atay. Ang kemikal na ito ay ginagamit din sa paggawa ng pesticides at disinfectant. Sa katunayan ay ipinagbawal na ang paggamit nito ng European Parliament at European Commission simula taong 2020. 

Kaugnay nito, ipinatigil at binawi sa merkado ng Ministry of Health ang pagbebenta sa Italya ng Lucky Me Instant Noodles Pancit Canton Original, Instant noodle soup beef flavor, Pancit Canton Kalamansi, Pancit Canton Chilimansi at Pancit Canton Hot Chili. Ang mga produktong nabanggit ay ginawa sa Thailand ng Monde Nissin Co. Ltd. 

Bukod sa Italya, ipinagbawal din ang pagbebenta ng mga Lucky Me products sa Ireland, France, Germany, Denmark, Belgium, Netherlands, Croatia, Greenland, Faeroe Islands at Malta

Nilinaw naman ng kumpanya ng Lucky Me na walang halong ethylene oxide o anumang uri ng pesticides ang kanilang mga produkto.

Samantala, kasalukuyan namang gumagawa ng mga pagsusuri ang Department of Health (DOH) sa Pilipinas ukol sa pagkakaroon umano ng ethylene oxide sa mga Lucky Me products at isasapubliko ng ahensya ang magiging resulta ng imbestigasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Blacklisted sa Schengen? Narito ang mga dapat malaman. 

Fourth dose sa mga over 60s, aprubado ng ECDC at EMA