in

Lungsod ng Roma kandidato sa darating na XXXII Olympic Games 2020

altRome – Sa buwang ito ay opisyal na ihahayag ang pagiging candidate ng lungsod ng Roma bilang host country sa darating na XXXII Olympic games sa 2020. Ito ay upang isabay din sa kasalukuyang pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng Italian Unification. Ang pagiging kandidato ng lungsod ay naglalayon diumano na imulat ang mga susunod na henerasyon, na sa pamamagitan ng sport ay palitan ang salungatan na espiritu ng kompitisyon at upang itanim ang malinis na laro at upang itaguyod ito bilang panlipunang pagkakaisa na magbubunga ng integration at magtatanggal ng inequalities.

Samantala, habang inaayos ang proyekto na isusumite sa International Olympic Committee ay nag-umpisa na rin ang mahaba at kumplikadong mga diplomatikong aktibidad na kinakailangan upang dalhin ang mga laro sa Italya.

Sa kabila ng lahat ng gawaing publiko ng lungsod, ang Olympics ay isang pagkakataon upang bumuo ng environmental sustainabilityna kung saan batay sa mahusay na paggamit ng resources ng enerhiya ay mabawi at lalong mapagbuti ang mga kasalukuyang mga pasilidad para gawing makabago ang kabisera at maging isang modelo ang pag-unlad at pagbabago sa internasyunal na imahe nito.

Gayunpaman, kinatatakutan nà ng mga Romano ang dulot na inconveniency nito o ang magiging pagdagsang muli ng mga turista.

Ang lungsod ng Roma ay ang unang lungsod na opisyal na naghayag ng kanyang candidacy sa Olympics 2020. Ang iba pang mga kakumpetensyang bansa ay hanggang sa Sept. 1 ang deadline.

Samantala, ang Eternal City ay nanalò na diumano sa hamon ng lungsod ng Venice na nagnanais din na i-host ang Olympics. Ngunit ang National Olympic Committee ay tinanggihan ang aplikasyon ng romantikong bansa.

Natatandaang huling ginanap ang Olympics sa bansa noong nakraang 1960.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Entry visa requirement sa mga bansa ng Europa, minungkahing ibalik

Mga estudyante, puspusang paghahanda sa maturità!