“Hindi maaaring pumasok at umuwing mag-isa ang mga mag-aaral sa paaralan”, ayon sa isang Circular.
Makakalabas lamang ng paaralan ang mga kabataan hanggang 14 anyos kung susunduin ng mga magulang. Bawal ang umuwing mag-isa. Bawal ang lumabas kasama ang mga kaibigan pagkatapos ng klase, maliban na lamang kung makikita ng mga professor ang mga magulang o grand parents, ate o kuya at babysitter na mayroong authorization at identity card para sunduin ang mga ito. Sa madaling salita, katulad ng mga mag-aaral sa elementarya.
Ito ang nasasaad sa isang scholastic circular na ipinatutupad na simula nitong Septyembre sa maraming paaralan sa Italya.
Dahil dito, ang ilang mga paaralan simula Septyembre ay ipinagbabawal ang paglabas ng mga mag-aaral hanggang Middle School kung walang nakakatandang susundo sa mga ito upang personal umanong ibalik ng paaralan ang responsabilidad sa pamliya ng mag-aaral.
Sa kasalukuyan, hindi rin tinatanggap ang anumang awtorisasyon mula sa mga magulang na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na umuwing mag-isa.
Ang nabanggit na Circular ay nagiging sanhi ng galit at problema sa mga magulang at kasalukuyang laman ng mga diskusyon maging ng mga politiko at eksperto.
Gayunpaman, para kay Minister of Education Valeria Fedeli, ay tama lamang umanong sunduin ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak hanggang sa Middle School. Ayon pa sa Minister sa isang tv transmission, ang mag magulang umano ay maaaring ibigay ang kalayaan sa kani-kanilang mga anak sa hapon, pagkatapos ng school hours.
Samantala, ayon naman kay Matteo Renzi, ang head ang PD, “Kailangang palitan ang bagong panuntunan sa lalong madalang panahon”.
Ang nabanggit na Circular ay ipinatutupad matapos ilabas ang hatol laban sa isang paaralan sa pagkamatay ng isang 15 anyos na binatilyo.