Ayon sa survey ng Povincia: 44,300 ang mga mag-aaral na mga imigrante sa 315 public at private schools. Ika-apat sa limang pinakamalaking komunidad ang mga mag-aaral na Pilipino at umabot ng 663.
Florence, Hulyo 17, 2012 – Tumaas ng 0.5% per year, sa huling limang taon ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa mga paaralan ng lahat ng antas sa Florence. Ang bilang ay buhat sa isang pag-aaral ng Provincia.
Ayon sa survey ng populasyon ng mga mag-aaral sa Firenze ay halos 44,300 ang mga mag-aaral na kasalukuyang pumapasok sa 315 public at private schools sa buong munisipalidad.
Sa school year 2010-11, sa mga nursery school, ang porsyento ng mga banyagang mag-aaral ay 15.3% ng kabuuan, 15.5% sa elementarya, 16.5% sa first degree high school (scuola media) at 11, 9% naman sa second degree high school (superiore).
Ang citizenship ng pinaka malaking komunidad ng mga mag-aaral sa Firenze ay ang Peruvians (907), sinundan ng mga Albanians (867), Romanians (807), ang mga mag-aaral na Pilipino (663) at ang mga Chinese (596).