in

Magkakaroon ba ng Buoni Spesa ngayong 2023? 

Buoni Spesa

Nasasaad sa bagong Budget law na inilathala sa Official Gazette ng Italya ang “Carta acquisti risparmio spesa 2023”. Ito ay maituturing na ebolusyon ng lumang social card na gumagana sa pamamagitan ng mga ‘buoni spesa’, na ibibigay sa mga pamilya at indibidwal na may mababang ISEE.

Ang bagong Carta risparmio spesa ay magagamit bilang pambili ng mga prime necessities, kahit sa mga discounted items. Hindi katulad ng ‘reddito alimentare’, ang Buoni spesa ay nakalaan para sa mas maraming recipients dahil sa kalahating bilyong euros na inilaan para dito ng gobyerno.

Itinalaga ng budlet law ang maximum ISEE amount ng €15,000 bilang pangunahing requirement ng bagong buoni spesa, ang Carta acquisti risparmio spesa. Isusunod dito ang iba pang mga requirements tulad ng edad, ibang ayuda na natatanggap at ilang karagdagang elemento na  magsisilbing limitasyon para sa mga hindi naman nangangailangan nito. 

Ang pagkakaiba nito sa social card o ang unang carta acquisti, pamamahalaan ng mga Comune di residenza ang distribution ng Carta acquisti rispamio spesa 2023, tulad ng sa panahon ng pandemya.

Ang nabanggit na tila voucher ay maaaring gamitin pambili ng mga prime necessities sa mga participating shops na may dagdag discount sa produktong pagkain. 

Gayunpaman, wala pang halaga ang Carta risparmio spesa at ang aplikasyon para dito ay inaasahang gagawin sa mga Comune, na magtatalaga ng mga detalye ng ilalabas na bando o public announcement.

Tinukoy din sa teksto ng budget law ang pagkakaroon ng isang angkop na sistema. Inaasahan ang paglabas ng implementing decree ng Carta acquisti risparmio spesa hanggang March 1, 2023, mula sa Ministries of Agriculture, Economy and Finance at pagkatapos nito ay ang paglalathala naman ng bando mula sa mga Comune. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Celeste Cortesi, para sa korona ng Miss Universe 

Paano malalaman kung makakatanggap ng bonus bollette 2023? Narito ang mga bagong requirements