in

Maikling Gabay para sa Italian General Election sa Sept. 25, 2022 

Sa Linggo, September 25, 2022 nakatakda ang petsa ng general election sa Italya. 

Ito ay isang snap election matapos bumaba sa posisyon bilang Prime Minister si Mario Draghi dahil sa naging krisis sa gobyerno noong nakaraang Hulyo. Pagkatapos ay dinisolved ni President Sergio Matarella ang Parliyamento walong buwan bago ang natural expiration nito at inanunsyo ang nalalapit na halalan. 

Ang Italya ay nagkaroon ng 14 na prime ministers at 19 na gobyerno sa huling 30 taon. Isang bagong prime minister halos tuwing dalawang taon at isang bagong gobyerno tuwing labingwalong buwan. 

At muli, sa nalalapit na linggo, ang mga mamamayan ay muling tinatawagan para bumoto. 

Ang eleksyon ngayong taon ay magkakaroon ng pagbabago matapos ang naging constitutional referendum noong 2020. 

Ang Parliament ay mayroong dalawang houses: ang Chamber of Deputies at ang Senate. Sa ilalim ng kasalukuyang electoral law, bawat botante ay mayroong dalawang boto – tig isa ang bawat house. 

Ngayon, ang bilang ng mga deputies ay babagsak sa 400 mula sa 630, habang ang bilang ng mga senators ay babagsak sa 200 mula 315. 

Sa kabuuan, 37% sa bawat house ay direktang ihahalal o sa pamamagitan ng first-past-the-post system, (uninominale) at ang natitirang 64 % ay hindi direktang ihahalal bagkus ay batay sa performances ng kanilang mga partido, o ang tinatawag na proporsyonal.

Sino ang makakaboto? 

Lahat ng poll stations ay magbubukas mula 7am at magsasara ng 11pm sa Linggo, September 25, 2022. 

Tanging ang mga Italians mula 18 anyos ang makakaboto sa Linggo.

At sa unang pagkakataon, kahit ang mga 18anyos ay makakapili na rin ng mga senators. 

Ang mga EU nationals na regular na naninirahan sa Italya ay maaaring bumoto sa local at European parliamentary elections, ngunit ang national election ay nakalaan lamang para sa mga Italian citizens.

Paano boboto? 

Bawat botante ay bibigyan ng dalwang balota: isang rosa (pink) para sa Camera at isang gialla (dilaw) para sa Senate

Sa bawat balota ay makikita ang logo ng mga partido at sa bandang taas nito ay makikita rin ang mga pangalan ng ‘candidato uninominale’. Samantala, sa gilid naman ng logo ng partido ay makikita ang mga pangalan ng mga ‘candidati proporzionali’.

Sapat ng lagyan ng X ang logo ng partido sa bawat balota. 

Ang voto disgiunto o ang pagboto sa candidato nominale at sa simbolo ng ibang partido) ay invalid

Bawat botante ay boboto sa kani-kanilang Comune di Residenza.

Kailangang magdala ng carta d’identità at ang tessera elettorale

Sa sinumang nais ng duplicate ng tessera elettorale ay maaaring humingi nito hanggang September 25, 2022 sa Ufficio Elettorale ng comune di residenza. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

minimum salary required permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Bagong € 150 bonus, hatid ng Decreto Aiuti ter

Giorgia Meloni, tagumpay sa Halalan 2022. Prime Minister sa Italya, paano niluluklok sa pwesto?