Kamag-anak ng mga imigarnte: “Sila ay natakot, ngunit tinawag ng kanilang mga employer upang bumalik sa trabaho”
Rome, Mayo 29, 2012 – Isang malakas na lindol ang naramdaman muli sa rehiyon ng Emilia ngayong araw na ito. Ang unang pagyanig ay naramdaman kaninang umaga bandang alas 9 ng umaga sa Hilagang Italya, mula sa Lombardy hanggang sa Veneto, mula Emilia Romagna hanggang Florence. Naramdaman ang lindol sa Modena, Ravenna, Bologna, Milan, Turin, Padua at Treviso ganun din sa Valle d’Aosta at Trentino Alto Adige.
Ang epicenter ng lindol ay sa Modena, sa Medolla, matatagpuan sa pagitan ng Parma at Ferrara, Mirandola at Cavezo na may lakas na 5.8 ng Richter scale at may lalim na 9.6 km, ayon sa National Institute of Geophysics and Vulcanology.
Sa kasalukuyan 16 ang kumpirmadong patay, habang 1 naman ang nawawala at 200 ang sugatan, tulad ng iniulat sa Senado ng Kalihim ng Punong Ministro, Antonio Catricalà.
Sa San Felice al Panaro, Reggio Emilia, ay namatay ang isang engineer at dalawang imigrante: Mohamed Azzar, Moroccan at si Kumar Pawan, indian ng Pujab, 31 yrs old, ama ng dalawang anak, 2 at 8.
Sa San Felice sa Panaro, ay nagsama-sama ang karamihan ng mga imigrante, ang Maghreb at Indian community. Isang grupo ang nag-alay agad ng panalangin sa tatlong biktimang manggagawa. “Ayaw nilang bumalik sa trabaho, dahil sa takot ngunit sila ay pinabalik ng kanilang mga employer”, ayon pa sa pahayag ng mga kamag-anak ng nasawi.
Matatandaang ang lindol na unang tumama sa hilagang Italya ay ikinamatay ng anim na katao, ikinasugat ng dose-dosena at winasak ang mga makasaysayang gusali kabilang na ang isang pamosong medieval na kastilyo noong nakaraang lingo.