in

Malawakang kontrol sa Latina at Fondi: inspeksyon din sa tanggapan ng Commercialista

100 dayuhan na nagta-trabaho sa sektor ng agrikultura sa Latina, Sabaudia, Terracina at Fondi ang sumailalim sa malawakang pagsusuri ng mga ahente ng pulisya ng Terracina at Fondi upang masiguro ang pagiging regular ng pananatili sa bansa, regular ang kontrata sa mga kumpanya pati na rin ang kanilang tirahan at ang transportasyong ginagamit.

Ang ginawang raid kamakailan ay binubuo ng 60 tauhan ng Polizia di Stato: 30 ang nag-iinspeksyon sa sektor  kasama  ang mga tauhan ng immigration office.

Kabilang sa ginawang pagsusuri ang pagkopya sa mga dokumentasyon sa tanggapan ng Commercialista at consulente di lavoro. Binuksan din at tiningnan ang bawat nilalaman ng 10 van, pati ang mga drivers nito.

Partikular na atensyon sa mga dayuhang walang dalang dokumento sa oras ng kontrol. Ginawa ang identification sa pamamagitan ng fingerprints. Sinuri naman ang mga permit to stay na nasa renewal pati na rin ang estado ng kontrata ng appartment kung saan naninirahan ang mga dayuhan.

Sa pagsasagawa ng mga nabanggit, ay walang nakitang paglabag sa batas at ang mga nakuhang datos ay nagpahintulot na makilala ang kundisyon at kalagayan ng mga dayuhan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Cittadinanza Italiana per meriti speciali, para kay Ramy” – Di Maio

Bagong halaga ng Kontribusyon sa releasing ng mga permit to stay, lehitimo ayon sa Tar